Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Globe, #PlantHappinessPH, #AtinAngSimpleJoys, Sanya Lopez, Rodjun Cruz 

Sanya at Rodjun join sa #atinangsimplejoys: Magsayaw, magtanim ng Globe at Tiktok para sa mental health

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GUMILING-GILING at ilabas na ang itinatagong dance moves para makisaya sa bagong TikTok challenge na tiyak makababawas sa lungkot at makagagaan ng pakiramdam. Maaari pang makatulong kay Mother Earth mula sa libreng mga punla o seedling na ipamimigay ng Globe Bridging Communities (Globe Bridgecom).

Dahil gusto ng Globe Bridgecom na mapabuti ang mental health ng bawat isa, hatid nito ang #PlantHappinessPH #AtinAngSimpleJoys  dance challenge gamit ang nakapagbibigay-inspirasyong kanta na  Better Days 2.0 ng Pinoy singer at rapper na si Quest.

Isa itong paalala na kahit maraming problemang dala ang kasalukuyang pandemya, kaya pa ring mapaganda ang araw ng lahat sa tulong ng mga simple at maliliit na bagay gaya ng mga hobby na nakaaalis ng stress.

Ang choreography ng #PlantHappinessPH #AtinAngSimpleJoys dance challenge ay binuo ng popular na TikTok star na si Ceejay Laqui, na siya ring gumawa ng viral na Ever After dance challenge. 

Makakasama rin ang mga celebrity talents at influencers na sina Sanya Lopez, Mark Herras, at Rodjun Cruz ng GMA; Myx VJ Ai dela Cruz, at Joj at Jai Agpangan ng ABS-CBN Pinoy Big Brother.

Globe, #PlantHappinessPH, #AtinAngSimpleJoys, Sanya Lopez, Rodjun Cruz, Joj Agpangan, Jai Agpangan

Kung gusto mong subukang maging plantito o plantita, mayroong mga seedling ng langka at guyabano na inihanda ang Globe Bridgecom para sa lahat ng sasali na taga Greater Manila Area. Ang mga nasa ibang lugar naman ay makatatanggap ng mga punla ng punong Supa at Bignay. 

Ang mga punla ay galing sa mga partners ng Globe, ang Philippine Native Tree Enthusiasts at Mead Foundation. Bumisita sa https://0917lifestyle.com/products/philippine-native-tree-seeds-and-seedlings at gamitin ang SIMPLEJOYS promo code sa check out para makuha ang mga ito ng libre.

Globe, 0917, Philippine Native Trees and Common Fruit Trees

At dahil #GDayEveryday sa buwan ng Setyembre dala ng 917 celebration, ang mga Globe at TM customers na sasali sa dance challenge ay pwedeng manalo ng 917 Rewards points na magagamit nila para makakuha ng mga freebies o discount sa mga paborito nilang shops. Tatlumpung winners ang pipiliin.

“Sa gitna ng hamon ng pandemya, nais naming ipaalala sa lahat na hindi sila nag-iisa sa kanilang laban sa stress. Importanteng mapanatiling maayos ang mental health kaya’t malaking tulong dito ang mga healthy hobbies na nagdudulot ng simpleng kasiyahan,” sambit ni Ms. Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer at Senior Vice President for Corporate Communications ng Globe.

Kung mayroong depression, anxiety, o anumang sakit, maaari ring magpakonsulta sa mga doktor at espesyalista gamit ang KonsultaMD at HealthNow apps.

Ang mental health at wellness ay kabilang sa pinagtutuunan ng pansin ng Globe para sa ikabubuti ng lahat.  Ito ay bahagi ng pagsuporta ng kompanya sa 10 United Nations Sustainable Development Goals at ang UN Global Compact Principles.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …