Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maja Salvador

Maja Salvador lilipat na rin sa GMA 7

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TRULILI ba na pagkatapos ng teleseryeng Nina Nino nina Maja Salvador at Noel Comia, Jr. sa TV5 ay lilipat na ang aktres sa GMA 7?

Nakita namin ang post sa Twitter account na Entertainment Uptake @Showbiz_Polls,  apat na oras ang nakararaan bago namin ito sulatin ngayong araw: ”BREAKING NEWS: This time it’s official. Maja Salvador will soon make the big leap from TV5 to GMA7 as soon as her primetime teleserye is over. She will joining Eat Bulaga first and will eventually sign with Artist Center where Mr. M. is the head honcho.”

Posible namang mangyari ito dahil nga ang tatay-tatayan ni Maja na si Mr. Johnny Manahan o Mr. M ang consultant ngayon sa GMA Artist Center at puwedeng inialok niya ang aktres sa TAPE, Inc.

Anyway, nagtanong naman kami sa taga-production ng Nina Nino kung may part 3 o Season 3 ang programa pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.

Ang Nina Nino ay nasa ikalawang slot na may mataas na ratings sa TV5 pangalawa sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …