Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raffy Tulfo

Idol Raffy hindi tatakbong VP

MARIING pinabulaanan ng broadcaster at sikat na vlogger na si Raffy “Idol” Tulfo ang mga kumakalat na balita na tatakbo siyang bise presidente sa 2022 elections at sinabing mataas ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Raffy, may mga politiko, hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, ngunit kaniya itong tinanggihan .

“Hindi po ako tatakbong bise presidente sa darating na halalan. May mga naghihikayat sa akin na maging (ka)tandem nila sa 2022 elections pero tinanggihan ko. I said no. Why? Mataas ang respeto ko kay PRRD. Kay Pangulong Duterte,” ani Tulfo.

“Wala po akong intensiyon na banggain siya sa darating na halalan,” dagdag niya, na ang tinutukoy ay ang plano ni Duterte na tumakbo sa 2022 elections bilang vice president.

Inamin ni Raffy na binanggit niya ang 16 million voters at 42 million, ngunit inilinaw na hindi niya ito subscribers, kundi ng ABS-CBN Entertainment na posibleng mag-clash sa 16 million voters ni President Duterte kung ang isyu ng ABS-CBN franchise ay buhayin sa susunod na taon.

“Kapag halimbawa nagkaroon ng referendum kunwari lang, there might be a clash between 16 million voters versus 36 million subscribers ng ABS-CBN, magka-clash. Iyon po ang sinabi ko,” pagkaklaro niya.

Ani Tulfo, inilinaw na niya ang isyu at humingi ng paumanhin sa kanyang mga kaibigan na certified at die-hard Duterte supporters, at sinabing ang kanilang nababasa sa social media ay misinformation lamang.

“After explaining to them, I apologized to them and I told them sorry kung kayo’y nakasagap ng misinformation. Matapos kong masabi iyon, naintindihan nila and they moved on,” aniya.

Dagdag ni Tulfo, wala siyang intensiyong bastusin ang 16 milyong botante ni President Duterte, dahil kabilang aniya siya sa naghalal sa punong ehekutibo bilang lider ng bansa noong 2016.

“In fact, ito pong mikroponong ito sa Wanted sa Radyo, ikinampanya ko po si President Duterte. I did and maraming nakaaalam niyan. So no disrespect sa 16 million voters ni President Duterte,” ani Tulfo.

“Sana, huwag na tayong magpakalat ng fake news para sa ikabubuti ng ating bayan,” pagtatapos ng broadcaster/vlogger.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …