Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez, Carla Abellana, Max Collins, Rocco Nacino, To Have And To Hold

Carla hirap pagsabayin ang taping at pag-aasikaso ng kasal

Rated R
ni Rommel Gonzales

HABANG naka-lock in taping si Carla Abellana sa To Have And To Hold ay sabay ding inaasikaso nila ni Tom Rodriguez ang mga preparasyon para sa kanilang kasal sa Oktubre. 

Aminado si Carla na mahirap iyong pagsabayin.

“Mahirap po siyang ipagsabay pero kailangan pong gawin. When we announced our engagement last March akala po namin eh matututukan talaga namin ‘yung wedding planning pero ‘yun nga po, talagang andaming medyo nasagasaan po in terms of schedule which is okay naman kasi maaga-aga pa naman by that time.

“Thankfully dahil din po pandemic eh karamihan po ng meetings talagang via Zoom ngayon po or online so, everything’s virtual.

“So kaya naman po. There are some things na hindi po talaga kayang gawin while being at lock in pero mostly kinaya naman pong ipagsabay.

“Ang ginagawa ko po is in between scenes or kapag po lunch break or kapag dinner break doon po ako nagsisingit ng mga wedding planning whether it’s a meeting with our coordinator or ina-update ko po ‘yung, let’s say ‘yung suppliers or guest list.

“So kaya naman po and time management lang.”

Nakausap namin si Carla sa Zoom mediacon ng To Have And To Hold nitong Martes, September 21.

Kasama ni Carla sa serye sina Max Collins at Rocco Nacino. Sa direksiyon ni Don Michael Perez at mapapanood na simula sa Lunes, September 27,  sa GMA Telebabad. Kasama rin sina Luis Hontiveros, Athena Madrid, Valeen Montenegro, Gilleth SandicoRoi VinzonBing Pimentel, at Ina Feleo. May special participation dito si Rafael Rosell.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …