Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Estrada, Heaven Peralejo, Gino Roque 

Gino Roque ipinalit ni Heaven kay Kiko?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

SI Gino Roque na kaya ang pagdiskitahang dahilan ng misteryosong paghihiwalay nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada

Gino who? 

Siya ang bagong ka-loveteam ni Heaven sa wala tayong kamalay-malay na ginagawang pelikula ni Heaven, ang Pasabuy. Nagsimula nang ipalabas nang libre ang pelikula sa WeTV noong September 24, Friday,  7:00 p.m.. 

Parang wala namang relasyon si Gino kay Dominic Roque, ang current love of her life ni Bea Alonzo.

Ayon sa isang report sa Push website ng ABS-CBN, gaya ni Heaven ay galing din sa isang edisyon ng Pinoy Big Brother (ng Kapamilya Network) si Gino. Pero ‘di sila magkasabay. ‘Di pa namin na-research kung anong editions sila ng PBB. 

Siyempre pa, maganda ang mga tsika ni Heaven tungkol sa bago n’yang ka-loveteam. 

Mahabang quote ng Push sa isang interview with Heaven tungkol kay Gino: ”Madaling katrabaho si Gino eh. Maganda kasi sa aming dalawa na nag-e-exchange kami ng energy kung ‘yung isa pagod, tapos ‘yung isa hindi, roon ka kukuha ng energy para maganda yung proyekto para talagang matuwa naman yung mga viewers. 

“Si Gino rin kasi nag-aalaga. In a sense na binigyan niya ako ng magandang room kahit hindi ko naman hinihingi. Maalaga siya sa mga co-star niya. Gentleman din si Gino.” 

Sa lock-in shooting pala sila first time mag-meet. Paggunita ni Heaven: ”First meet namin, so nag-knock siya sa door, lumabas ako ng door. Sabi niya, ‘Do you watch PBB?’ Tapos parang ako, what? Eh hindi naman kasi ako nanonood talaga. I mean, naririnig ko lang si Gino sa Facebook, minsan pa-scroll scroll. Pero hindi ako nanonood. So mayroon kaming laging debate ni Gino.”

Gayunman, iginiit ni Heaven na komportable naman silang nakapagtrabaho sa isa’t isa. 

Oo nga pala, lahad ng Push tungkol sa istorya ng Pasabuy, Heaven and co-star Gino play two strangers who head out to a beach resort to escape their real lives and do a bit of soul searching. 

Young executive si Heaven na nagtsi-chill sa beach resort para makapag-isip tungkol sa kanyang kinabukasan. On the other hand, Gino is John, an aspiring musician working on creating new songs. Nag- lockdown kaya “nakulong” sila sa resort. They end up meeting virtually through a community chatroom for “pasabuy” customers.

Lahad ng aktres na mukhang mabilis na naka-recover sa mga umasim na relasyon: ”Dapat kasi natural ‘yung chemistry, ‘di ‘yun pinag-aaralan. So feeling ko parang si boss Gino dahil siya ‘yung producer dapat parang maging perfect, ‘di ba? Tapos hindi pa kami nagmi-meet talaga. Siguro sumakto lang din ‘yung personalities naming dalawa sa isa’t isa, so nakita rin ‘yun sa screen.”

So parang si Gino pala ang producer ng pelikula. Pero ang sabi sa press release ay co-produced ng Forza Productions ang pelikula na ang direktor ay ang aktor na si Xian Lim. Si Xian din ang may likha ng kuwento ng pelikula “based on a WeTV Original concept.”

Parang ‘di naman in love si Heaven kay Gino. O hindi pa? O inililihim pa lang? 

Ang wala pang umiingay na pinagkakaabalahan ay si Kiko. Pero baka magulat din tayo na isang araw, bumulaga sa atin na may natapos na palang showbiz project si Kiko. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …