Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi tatalikuran na ba ang politika?

HATAWAN
ni Ed de Leon

TUTAL ilang araw na rin lang naman, hintayin na natin kung ano talaga ang magiging official na statement ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) tungkol sa kanyang political career. Kung ano nga ang posisyong kanyang tatakbuhan, matitiyak iyan oras na siya ay magharap na ng certificate of candidacy sa COMELEC sa unang linggo ng Oktubre.

Kung hindi naman malalaman nga natin kung tatalikuran na muna niya ang politika at magbabalik sa pagiging isang aktres na isa pa niyang option.

Sabi nga ni Jojo Lim, kung sila ang tatanungin gusto nilang mag-artistang muli si Ate Vi, pero kung pipiliin niyong tumakbo sa anumang posisyon, nakahanda naman silang sumuporta. Maging ang dating movie writer na si Rod Samson na matagal na rin sa US, ay nagsabing malakas naman si Ate Vi anumang posisyon ang takbuhan niya dahil maganda at malinis ang kanyang record sa politika.

Hindi pa rin talaga tinitigilan ng ilang partido si Ate Vi para isama sa kanilang senatorial line up, pero wala pa rin siyang desisyon na sinasabi nga niyang ”ipinagdarasal ko pa.”

Wala pa ngang nakatitiyak kung sino ang sasamahan ni Ate Vi, dahil sabi nga nila depende rin iyon sa grupo nilang One Batangas, pero maliwanag na “hindi sila sasama sa grupong galit sa Diyos.”

Iyon na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …