BULABUGIN
ni Jerry Yap
MAY silbi pa ba ang Republic Act 11590 (An Act Taxing POGOs) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panahong ito na halos karamihan ng Philippine offshore gaming operators ay sumibat na sa bansa?!
Hindi ba’t mismong sa ulat ng Commission on Audit (COA) nabatid na P1.3 bilyones ang ‘pinakawalang buwis’ ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil hindi nito nahabol ‘yung 15 POGOs?!
‘Yung utang ng 15 POGOs ay tatlong taon nang overdue pero parang tinulugan lang daw ng PAGCOR.
Sa panahong ito, maraming POGO ang umalis na sa bansa, at ang tanging namamayagpag na lang ngayon ay ang POGO king na si Kim Wong.
E para saan pa ang POGO law na pinirmahan ni Pangulong Duterte?!
Kumbaga osla na ang POGO, at may bagong online gaming nang naiimbento ang IT experts na may ibang scheme kaya baka ‘paso’ na ang batas na ‘yan.
Too late the hero, Mr. President.
Aanhin pa ang damo kung sumibat na ang kabayo?!
In short, tuluyan nang natakasan ng P1.3 bilyong buwis ang Rumba Queen ng PAGCOR.
Tsk tsk tsk…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com