Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leonor Briones, DepEd, Online kopyahan
Leonor Briones, DepEd, Online kopyahan

Imbestigasyon vs ‘Online kopyahan’

MANILA — Kasunod ng pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa kakulangan ng tutorial support sa paglitaw ng ilang online cheating group sa Facebook, inianunsiyo ng Department of Education (DepEd) na nakikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad para magsagawa ng imbestigasyon sa napaulat na online cheating sa hanay ng mga estudyante upang makapagbalangkas ng paraan para tugunan ito at maresolba ngayong school year 2021-2022.

Naunang nadiskubre, ilang estudyante ang gumagamit ng isang social media group para ibahagi ang kanilang notes at sagot sa mga pagsusulit sa kasalukuyang set-up ng blended learning na ipinatutupad ng DepEd sa gitna ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Binansagan ang isa sa sinasabing public groups na ‘Online Kopyahan’ na nakalikom ng 700,000 followers bago ito naging ‘inaccessible.’

Makikita sa Online Kopyahan ang mga post ng mga module at test paper na mayroong kasagutan.

Sa isa pang social media group na tinawag na ‘Online Kopyahan (2),’ may 71,000 miyembro, ilan sa group members nito ang nagre-recruit ng mga estudyante sa pamamagitan ng group chats, para ibahagi rin ang mga kasagutan sa mga pagsususlit.

Inamin ni Education Secretary Leonor Briones na ang pandaraya ay “lingering issue” bago pa ang pandemya ngunit tiniyak din ng kalihim na magsasagawa ang DepEd ng mga hakbang para masolusyonan ang problemang ito.

“We are now seeking the assistance of authorities in tracing kasi mayroon naman talagang, may questions kasi tayo d’yan at may key answers tayo (rin) d’yan. Kung na-leak ba iyan o napunta sa estudyante o nagkopyahan, kailangan imbestigahan natin iyan,” wika ni Briones.

“We will take steps and we are already in touch with appropriate authorities because we will not tolerate it (cheating), at least in education,” dagdag ng kalihim. (TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …