Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Slyvia Sanchez, Art Atayde, Arjo Atayde, Ria Atayde, Gela Atayde, Xavi Atayde

Sylvia sa lock-in: Mabilis natatapos pero nakaka-miss ang pamilya

SOBRANG na-miss ni Slyvia Sanchez ang kanyang asawa’t (Papa Art Atayde) mga anak (Arjo, Ria, Gela, at Xavi ) dahil ilang linggo siyang nasa Bicol para sa lock-in taping ng hit seryeng Huwag Kang Mangamba.

Kuwento ni Sylvia nang makausap namin sa cellphone kamakailan, ”Ang mahirap lang sa lock-in taping eh ‘yung mami-miss mo talaga ‘yung pamilya mo kasi malalayo ka sa kanila.”

Dagdag pa ng tinaguriang Face of Beautederm, “Katulad namin ilang linggo na kaming nandito sa Bicol para sa taping ng ‘Huwag Kang Mangamba,’ kaya mami-miss mo talaga ‘yung family mo.

“Ako pa naman hindi ako sana’y na nalalayo sa asawa ko at sa mga anak ko, kaya nakakapanibago talaga.

“Pero ‘yun na talaga ang proseso ng taping ngayon kaya kailangang sumunod para magtuloy-tuloy lang taping at para may trabaho ang lahat.

“Pero ang maganda lang sa lock-in taping, mas madaling matapos ‘yung trabaho and para na rin naman sa proteksiyon ng bawat isa dahil na rin sa pandemiya.”

Nai-share rin ni Sylvia ang sobra-sobra niyang kasiyahan sa nominasyong nakuha sa Star Awards for Movies para sa pelikulang Jesusa (Best Actress) at sa Star Awards for Television para naman sa teleseryeng  Pamilya Ko (Best Drama Actress).

“Nakatutuwa lang kasi dalawa ‘yung nominasyong nakuha ko.

“Para sa akin manalo o matalo okey lang sa akin ‘yun kasi mapansin ‘yung trabaho ko at ma-nominate ako, malaking bagay na sa akin ‘yun,” sambit pa ni Sylvia.

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …