Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alan Peter Cayetano

Cayetano hinikayat tumakbong presidente (Daan-daang pastor, simbahan)

DAANG-DAANG pastor at mga simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagkaisa sa pana­wagan kay dating Speaker Alan Peter Cayetano na tumakbo bilang pangulo sa paparating na halalan.

Sa isang bukas na liham kay Cayetano noong 16 Setyembre, sinabi ng 588 pastor, kasama ang 1,564 miyembro ng kanilang mga simbahan, kay Cayetano nila nakikita ang isang lider na kayang hikayatin ang mga Filipino na manalig sa kapang­yarihan ng pananam­palataya sa gitna ng iba’t ibang krisis.

“Sa pinakamadilim na oras ng ating bayan, kaila­ngan natin ng isang lider na magdadala ng liwanag at pag-asa. Kailangan ng ating bayan ng isang lider na may takot sa Diyos – isang lider na naniniwala sa kapangyarihan ng pana­nam­palataya at kakayahan nitong baguhin ang anomang sitwasyon,” sabi nila sa kanilang liham.

Ang mga pumirma ay galing sa 562 simbahan, at ang bilang nila ay inaasahan pang lalago habang umiikot ang liham sa iba pang mga simbahan sa buong bansa.

Ayon kay Pastor Raul Limpiado ng Catarman Temple of Praise International sa Catarman, Samar, kailangan ng bansa ng isang lider na may takot sa Diyos at gagawin ang Kanyang kalooban lalo sa kasalukuyang panahon ng ligalig.

“Ang kailangan natin ay isang lider na naniniwala sa kapangyarihan ng pananampalataya at sa kakayahan nitong baguhin ang anomang sitwasyon,” sabi niya.

Sinabi kamakailan ni Cayetano, nais niyang magsulong ng isang faith-based, values-oriented, at Bible-centered na pamu­muno sa paparating na eleksiyon.

Binanggit din niya na pinag-iisipan niyang tumak­bo bilang pangulo sa 2022. Kasalukuyang nag­ko­konsulta ang dating Speaker sa kanyang pamilya at mga kaibigan tungkol sa kanyang plano sa 2022, ayon sa isang panayam.

Dagdag ni Limpiado, naniniwala siyang ang pamumunong nakabatay sa pananampalataya sa ilalim ni Cayetano ay kayang pag-isahin ang bayan.

“Ang faith-based leadership ay nakabase sa pananampalataya sa Diyos anoman ang ating relihiyon. Maraming relihi­yon sa Filipinas at nanini­wala kami na si Cayetano, bilang isang public servant sa loob ng ilang dekada, ay kaya itong pag-isahin,” aniya.

Ayon kay Limpiado, kasama sa mga bunga ng faith-based leadership ni Cayetano ang paglikha ng mga programang nagbibi­gay pag-asa sa mga Filipino na lubhang na­apek­tohan ng pandemya.

Kasama sa mga programang ito ang Sampung Libong Pag-Asa at Sari-Saring Pag-Asa na parehas nakapagpaabot ng ayuda at tulong-pinansyal sa libo-libong mga maralita at sari-sari store owners mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nagmula ang progra­mang Sampung Libong Pag-Asa sa adbokasiya ng 10K Ayuda Bill na inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado noong Pebrero 2021. Nais ng panukalang batas na mamahagi ng P10,000 sa bawat pamilyang matin­ding tinamaan ng pan­demya.

Pinuri ng mga pastor at religious leader si Cayetano dahil sa pagbuo niya ng mga programang nag­bibigay ng pag-asa sa mga Filipino na labis na­apektohan ng pan­demyang dulot ng CoVid-19.

“Higit sa husay at talino, kailangan natin ng isang lider na may puso at malasakit sa kapwa at handang harapin ang mga pagsubok ng may pang-unawa at pagmamahal. Kagalang-galang na dating Speaker Cayetano, nanini­wala kami na ikaw ang lider na hinahanap ng ating bayan,” sabi ng mga pastor sa kanilang liham.

Tiniyak ng mga pastor at religious leaders kay Cayetano na patuloy silang susuporta sa kanyang mga adbokasiya.

“Makaaasa kayo sa aming pagsuporta sa iyo at sa iyong mga adhikain,” anila.

Magaganap ang filing of candidacy para sa lahat ng pambansa at lokal na posisyon sa 1-8 Oktubre 2021.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …