Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, Mary Anne Ranollo

Bea kumulo ang dugo sa basher na nanghiya sa kanyang ina

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Bea Alonzo sa The Boobay And Tekla Show kamakailan, ay sinabi niya na may sinagot/pinatulan na siyang basher. Pero sinagot niya ito hindi para sa kanyang sarili, kundi para ipagtanggol ang kanyang ina. Ito kasi ang binash at hindi siya.

Sabi ni Bea, ”Well kadalasan naman positive ‘yung pagsagot natin. Pero may isang sinagot ako. Nagpunta kasi kami ni mama sa The Farm. Tapos, nag-comment siya na hindi raw kami magkamukha ni mama. 

“Tapos parang shiname niya si Mama. Parang normally, ‘pag tungkol sa ‘kin hindi naman ako nagre-reply. Kaya lang kasi parang na-hurt ako for my mom.”

Hindi  naman inaway ni Bea ang basher.

“Pero hindi ko naman siya inaway. Sabi ko lang, ‘I think my mom is the most beautiful person in the world. God bless you.’” 

Sa narinig na-comment si Boobay. Sabi niya, “At saka ‘yung ganoong mga comment, ‘yun naman talaga ang kapatol-patol.”

Sine­gundahan naman ni Bea ang sinabi ni Boobay, ”Oo, parang kumulo ‘yung dugo ko.” 

Si Bea, hindi naman talaga palapatol sa basher. Kaya lang siyempre, nanay niya na ang sinabihan nang hindi maganda, kaya ayun, pumatol na rin siya, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …