Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Spa Massage

2 spa na may extra service sinalakay 11 babae naligtas sa Antipolo

Arestado ang dalawang manager habang 11 babae ang nasagip mula sa dalawang spa na nag-aalok ng “extra service” nang salakayin ng mga awtoridad sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Biyernes, 17 Setyembre.

Ayon sa ulat ng Antipolo city police, sinalakay ang Nitzi Touch Massage at Miyoto Spa na parehong matatagpuan sa Sumulong Highway, Brgy. Mayamot, sa nabanggit na lungsod.

Nabatid, anim sa 11 babaeng nasagip mula sa prostitusyon ay taga-Quezon City, Maynila, at Pasig; habang ang lima ay mula sa Antipolo.

Gimik umano ng dala­wang spa ang pagmamasahe ngunit nag-aalok ng extra service o sexual service sa mga customer sa halagang P2,000.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang dalawang spa kapag napatunayang sangkot sa pambubugaw.

Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang manager sa mga spa na sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act of 2003 sa Department of Justice (DOJ).

Samantala, kasalukuyang nasa pangangalaga ng Camp Crame ang mga kababaihan na sumasailalim sa assessment ng social workers upang malaman kung sila ay ieendoso sa shelter o ibabalik sa kanilang mga pamilya at bibigyan ng iba pang posibleng tulong.

Sumailalim ang lima sa kanila sa physical o face-to-face inquest sa DOJ habang ang anim ay dumaan sa online inquest nitong Sabado, 18 Setyembre.  

              (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …