Sunday , December 22 2024
Datu Piang, Maguindanao Explosion

1 patay, 7 sugatan sa LGBTQ group sa Maguindanao (Mga miron sa volleyball game pinasabugan)

ISA kataoang namatay, habang sugatan ang pitong iba pang miyembro ng LGBTQ community sa pagsabog sa bayan ng Datu Piang, lalawigan ng Maguindanao, nitong Sabado ng hapon, 18 Setyembre.

Kinompirma ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na namatay, kamakalawa ng gabi, ang isang biktimang nasa kritikal na kondisyon dahil sa pinaniniwalaang pagpapasabog ng improvised explosive device (IED).

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapag­salita ng 6th ID, wala pang umaamin ng responsi­bilidad sa pagpapasabog ngunit tinitingnan na nila ang klase ng IED na ginamit na ‘signature’ umano sa Central Minda­nao.

Ikinikonsidera rin ng mga awtoridad ang ilang mga posibleng motibo gaya ng maaaring ito ay diversionary tactic ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Dawlah Islamiya, at maa­ari rin may kinalaman sa eleksiyon dahil kilala ang Datu Piang bilang election hot spot.

Isa pang tinitingnang motibo ay ang personal na galit laban sa LGBTQ community dahil karami­han sa mga biktima ay miyembro ng LGBTQ at nakatatanggap umano ng mga banta sa kanilang mga buhay bago pa ang insidente.

Samantala, ipinag-utos ni Philippine National Police chief P/Gen. Guiller­mo Eleazar sa Police Regional Office Bangsa­moro Autonomous Region (PRO BAR) na masusing imebstigahan ang pagpa­pasabog.

Ipinag-utos niya sa pulisya sa rehiyon na makipag-ugnayan sa lokal na puwersa ng mga sundalo upang magsagawa ng manhunt operation upang masukol ang mga salarin at maseguro ang kaligtasan sa Maguindanao at sa iba pang lugar na maaaring maganap ang katulad na pangyayari.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *