Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual

Piolo tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang Kapamilya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SPEAKING of Piolo Pascual, tinupad ng Ultimate Heartthrob na hindi niya kailanman iiwan ang Kapamilya dahil pumirma uli siya ng kontrata sa ABS-CBN, ang home network niya ng maraming taon.

Isang red carpet welcome ang ibinigay kay Piolo bago ang contract signing niya sa ABS-CBN na nakasama niya sina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, at ang talent manager niyang si Lulu Romero.

Gagawa si Piolo ng dalawang programa sa ABS-CBN – ang drama series niya kasama ang bagong Kapamilya star na si Lovi Poe, at isang romantic-comedy series na pagsasamahan nilang muli ni Angelica Panganiban.

Sa higit sa 25 taon niya bilang isang Kapamilya, nakilala si Piolo para sa marami niyang talento. Pero higit siyang napalapit sa mga Kapamilya dahil sa mga pinagbidahan niyang mga serye at pelikulang naging bahagi na ng kanilang buhay at itinuturing na ngayong Pinoy classics.

Dahil sa hit shows gaya ng Mangarap KaLoboLovers in Paris,  Noah, box-office films gaya ng Dekada ’70Starting Over Again,  MilanDon’t Give Up on Us at marami pang iba, lalong kuminang ang bituin ng tinaguriang “Papa P” ng industriya para maging most sought-after leading man sa bansa at isa sa pinakamagagaling na aktor ng kanyang henerasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …