Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LJ Reyes, Paolo Contis, Aki, Summer

LJ nagpa-iwan ng ‘Pinas para kay Paolo

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TRULILI ba na matagal ng inaaya ng pamilya niya sa Amerika si LJ Reyes at nagpaiwan lang siya ng Pilipinas dahil kay Paolo Contis para mabuo ang pamilya nila pero nauwi sa wala?

Base sa ipinost ni LJ sa kanyang IG story tungkol sa pagmamahal ay maraming netizens ang nagkomento na ‘sana ol may pang NYC kapag heartbroken.’

May sumagot naman ng, “Bago pa mag-artista ‘yan nasa NYC na talaga immediate family and relatives niya, nagpaiwan na lang dito ‘yan dahil kay Paolo.”

Bukod dito ay marami rin ang nagsabing blooming si LJ sa mga larawang kuha niya nang dumalo sa nakaraang New York Fashion Week 2021 na nagpaka-fan girl siya sa American model na si Gigi Hadid.

Gusto naming dagdagan ‘yung sinabing nagpa-iwan si LJ sa Pilipinas, nangyari pa ito noong sumali siya sa Starstruck season 2 dahil gusto niyang mag-showbiz at the same time ay isasabay niya ang kanyang pag-aaral na kung hindi kami nagkakamali ay may kinalaman sa medisina ang kurso.

Kung tama ang pagkakatanda namin ay nurse o health worker ang mama ng aktres sa kilalang hospital sa New York City noon na retirado na ngayon dahil nagma-manage na ng sariling Bar and Restaurant katuwang ang kapatid ni LJ na may pamilya na rin.

Fast forward kung tama rin kami ay green card holder noon si LJ kaya nga roon niya ipinanganak ang panganay niyang si Aki at hindi nakasunod noon ang ama nitong si Paulo Avelino dahil hindi na-aprub ang US Visa.

Hanggang sa bumalik ng bansa si LJ kasama ang sanggol palang noon na si Aki hanggang sa nagkahiwalay na rin sila ng tatay ng panganay na anak.

Sa pagkakaalam din namin ay pinasusunod na nga ng NYC sina LJ at Aki noong sila na lang dalawa pero dumating si Paolo Contis sa buhay ng aktres at nagkaroon sila ng anak na si Summer na dalawang taon na ngayon.

At dahil nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina LJ at Paolo ay kinailangan ng una ng bagong paligid kaya siya lumipad patungong Amerika kasama ang dalawang anak.

Sa panayam ni LJ kay King of Talk, Boy Abunda ay wala siyang binanggit kung hanggang kailan siya mananatili sa Amerika at sa tingin namin ay matatagalan ang mag-iina roon dahil kailangan totally healed na ang aktres ‘pag naisipan niyang bumalik dito.

Sabi nga ng mga kaibigan niya ay tama lang ang ginagawa niya ngayon na mag-move-on at gawin ang mga bagay na makatutulong sa kanya para makalimot.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rhodessa Montano Belen

Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 Rhodessa Belen tinulungan Philippine Delegates; Korona ipinasa sa bagong reyna

PORMAL nang nagtapos ang reign ni Rhodessa Montano Belen bilang Mrs. Asia Pacific Intercontinental 2024 o sa ginanap na Mrs. …

Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALKni Pilar Mateo NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary.  Aware naman na …

MMFF MMDA

MMDA pinamunuan premiere night ng 8 kalahok sa MMFF 2025  

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ng Metropolitan Development Authority (MMDA) ang patakarang ngayon sa mga premiere night ng …

Derek Ramsay The Kingdom

The Kingdom gagawing TV series, Derek Ramsay magbibida

I-FLEXni Jun Nardo GAGAWING TV series ang pelikulang The Kingdom na pinagbidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascualna ipinalabas last …

Celesst Mar

Fil-Am singer-songwriter iiwan America para sa local showbiz career

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAHILIG sa dagat at malaking bahagi ng kanyang musika ay nagpapakita …