Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sing Galing Sing-Lebrity Edition

Beautyqueens type pakantahin nina Rey at Dingdong

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

TYPE nina Jukeboss Rey Valera at Dingdong Avanzado na mapasama sa Sing Galing:  Sing-Lebrity edition ang mga beauty queen, heartthrob, gumaganap na kontrabida, at action stars.

Ito ang binanggit ng dalawa sa nakaraang zoom mediacon para sa bagong segment na Sing-lebrity edition ng Sing Galing simula sa Sabado, Setyembre 18.

Sabi ng batikang songwriter at singer, “napansin ko okey din ‘yung mga beauty queen (natawa). Maganda rin kasi silang tingnan at nakatutuwang biruin.

‘”Yung mga comedian naman iba rin ang dinadala nilang ganda at excitement sa show.

“’Yung mga heartthrob magugulat ka rin, palagay ko (naisip ang mga politiko), mga politiko pakantahin natin patay tayo riyan, ha, ha baka sabihin nag-e-electioneering tayo.

“Nagbabato lang ako ng idea, pero parang gusto kong makita ‘yun (sumali sa Sing Galing).”

“Ako kuya Rey ang gusto kong Makita, mga action star at saka mga kontrabida,” sabi naman ni Dingdong. “Kakaibang personality ‘yan, eh parang ibang dimension na naman ‘yun.”

Sinang-ayunan naman ito ni Rey at binanggit din niya ang mga taga-media, “celebrities din sila on their own right, ano kaya ‘no? Idea lang naman tinatanong tayo. Ako naman nagsa-suggest ng out of the box na ‘ano nga kaya?’

“Magandang tingnan ‘yun, eh.  Sila (media) naman ang i-on-the-spot. ‘Di ba parati silang naglalagay sa atin (personalidad) sa on-the-spot, so sila naman para maramdaman din nila.”

Mga atleta naman ang nasa isip ng isa rin sa jukeboss na si Allan K“kasi sila talaga ‘yung mga hindi mo nakikitang kumakanta at nag-e-entertain. They entertain thru sports pero ‘pag inilagay mo sila sa stage, naku napakamahiyain ng mga ‘yan. Baka sa ‘Sing Galing’ nila ma-discover ‘yung talent nila sa pagpe-perform at pagkanta, you can never can tell sabi nga.”

Biro naman ni Ethel Booba na isa rin sa jukeboss, “ako naman ‘yung mga manginginom na celebrities (nagkatawanan ang lahat).”

Hirit ni Allan K, “tagay muna bago kumanta. At ‘pag pumiyok, dadamihan ang tagay, ha, ha, haha.”

Anyway, abangan sa Sabado, Setyembre 18, 6:00 p.m. sa TV5 ang sing-lebrities na magtatagisan sa Random-I-Sing: Kantarantahan, Hula-Oke Ka Lang D’yan? at ang final round na Duelo-Oke Extreme.

Mapapanood sina Alex Medina, Kris Bernal, MC Muah, Hero Angeles, at Joseph Bitangcol para sa bagong edition na makakatunggali ng sing-lebrities na sina Samantha Bernardo, Madam Inutz, Pooh, Paolo Pangilinan, Jayson Gainza, Baby Boobsie, at Ate Gay. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …