Friday , April 18 2025
Neil Arce, Mon Cualoping

Neil hinamon si Cualoping — kung matapang ka… hihintayin kita

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINAMON nang lalaki sa lalaki, walang armas at walang bodyguard, anumang oras at saan man, ni Niel Arce si Undersecretary Mon Cualoping ng PCOO (Presidential Communications Operations Office) matapos insultuhin niyon ang kanyang asawang si Angel Locsin at sinabihang “walang brain cells” dahil sa pagbatikos sa paglaban sa Covid. Diretsahang ding sinabi niya na hindi kailangan ang mga politiko sa problemang iyan.

Sinabi pa ni Neil sa kanyang hamon, ”iyan ay kung matapang ka at tunay na lalaki, kung hindi naman baka may kapatid kang mas bata ok lang sa akin iyon. Hihintayin kita.”

Pero hindi naman sumagot na si Cualoping hanggang sa ngayon. Imposibleng hindi niya nakita ang hamon ni Neil dahil doon mismo sa social media account kung saan niya inilagay ang “insulto kay Angel” mismo nakapost din ang hamon ni Neil.

Tingnan natin kung matutuloy ang laban at kung ilang rounds ang itatagal.

Kasi naman eh, may mga opisyal tayo ng gobyerno na masyadong pikon na ngayon sa mga batikos sa kanila. Nauna riyan, sinigaw-sigawan ni Secretary Harry Roque ang mga doctor sa isang meeting, at ngayon idedemanda raw niya ang naglabas ng video niyon. Hindi dapat ganoon eh. Dapat mangatuwiran sila kung sa palagay nila tama sila at huwag daanin sa maling pananalita.

About Ed de Leon

Check Also

Nora Aunor

Nora Aunor pumanaw na sa edad 71

PUMANAW na ngayong araw ang National Artist for Film and Broadcast Arts, Superstar Nora Aunor. Siya ay 71 …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

MTRCB

Paalala ng MTRCB sa mga PUV Operators: “G” at “PG” na palabas lang sa bawat biyahe

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio Sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, muling nagpaalala ang …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *