Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras

Mark dinagsa ng indecent proposal dahil sa P30K

MA at PA
ni Rommel Placente

BINASAG ni Mark Herras sa pamamagitan ng kanyang vlog ang  katahimikan tungkol sa ibinisto ng dati niyang manager na si Lolit Solis, na wala na siyang pera, kaya nanghiram siya ng P30k para pambili ng gatas ng anak.

Guest ni Mark sa kanyang vlog ang kaibigang si Eric Fructuoso. Naglaro sila ng ”Sagot o Lagot,” na mamimili sila kung sasagutin ang bawat tanong o iinom ng suka kung ayaw sagutin.

Dito na nga sinagot ni Mark nang pabitin ang isyu na wala na siyang pera.

Isa sa ibinatong tanong ni Eric kay Mark: ”Magkano ang pera mo na nasa banko mo?”

Natawa si Mark sa tanong ni Eric at akmang iinom ng suka para umiwas sa tanong.

Pero sinagot na rin ito ni Mark: Sabi niya, ”Mga P30K siguro. Inom na lang ako para walang issue.”

Aniya pa, private ang impormasyon na i-reveal ang laman ng kanyang banko.

Pero dagdag ng aktor, ”Ako siyempre, this is a private thing. Pero ako, ‘yung anak ko, alam ko may pera sa banko.”

Hindi na nagdetalye pa si Mark at uminon ng suka. Pero base sa sagot niya parang sinasabi niya na may sariling pera sa banko ang anak kaya imposibleng mangutang siya ng P30k kay Manay Lolit, ‘di ba?

Sundot na tanong ni Eric, kung nakatanggap ba si Mark ng indecent proposal after ng P30k issue sa kanya? Sagot ni Mark, ”Hindi naman to the point na indecent, ah, medyo disente pa naman. Pero I think it’s going there.  Before, may nag-i-invite for a date nga lang, eh, pero LGBT [member]. So, mga ganoon.

“Tapos siyempre, noong nangyari ‘yung recent issue, andaming nag-DM [direct message] sa akin na mga LGBT, ‘Hi, Mark. Hi, I can help.’”

“I’m not judging them, pero basically, maganda naman ‘yung thought.

“I think medyo in-assume ko lang na papunta roon (sa indecent proposal).

“Pero, so far, wala pa naman akong natanggap na rekta, na talagang, ‘Mark, bigyan kitang pera…’ yun. Wala, wala pa naman.”

Pero totoo ang iniisip ni Mark na papunta sa indecent proposal ang mga bading na nag-aalok sa kanya ng tulong. Siyempre iisipin ng mga ito na wala ngang pera ang aktor kaya papatol, ‘di ba?

Pero sa tingin ko, malabong mangyari ‘yun. Wala pa kasi kaming naririnig na may pinatulang bading si Mark unlike ‘yung iba. hahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …