Thursday , December 19 2024
091621 Hataw Frontpage

ICC probe sa tokhang ni Digong umpisa na

091621 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

IT’S over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako doon sa Netherlands patay. You will have a carcass. Hindi ako pupunta roon buhay, mga ulol. Pero ‘pag nakita ko kayo rito, unahan ko na kayo!”

Hamon ang bantang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pormal na pagbubukas ng International Criminal Court (ICC) ng imbestigasyon sa mga patayang naganap sa isinulong na gera sa droga ng punong ehekutibo.

Sa kalatas, inihayag ng ICC na kinatigan ng Pre-Trial Chamber 1 ang kahilingan ni dating Prosecutor Fatou Bensouda na imbestigahan ang mga krimen “allegedly committed on the territory of the Philippines between 1 November 2011 and 16 March 2019 in the context of the so-called ‘war on drugs’ campaign.”

Ayon sa ICC, isang “specific legal element of crime against humanity of murder” ang tumugma sa konteksto ng gera sa droga ni Duterte mula 1 Hulyo 2016, isang araw matapos manumpa bilang Pangulo, hanggang 16 Marso 2019 o isang araw matapos pormal na kumalas ang Filipinas sa Rome Statute, ang tratado na nagtatag ng ICC.

May nakitang rason ang ICC para ilarga ang imbestigasyon kaugnay sa mga patayan sa Davao City mula 1 Nobyembre hanggang 30 Hunyo 2016 o habang alkalde ng lungsod si Duterte.

Matatandaan, sinabi ni Atty. Ruben Carranza, isang senior expert sa New York-based International Center for Transitional Justice, ang prosecutor’s request ni Bensouda ay napakahalaga dahil ito ang yugto na ang mga suspek ay maaaring kilalanin ng prosecutor para mag-isyu ng summons o warrants of arrest ang Pre-Trial Chamber.

Ang mga naging pahayag aniya ni Pangulong Duterte hinggil sa kagustohang patayin ang mga sangkot sa ilegal na droga ay maaaring maging ebidensiya laban sa kanya sa imbestigasyon ng ICC sa drug war killings.

Paliwanag ni Carranza, may “legal weight’ ang mga pahayag ng head of state sa international law kahit pa putol-putol ito.

Kailangan aniyang ikonsidera ang mga resulta o nangyari matapos maglabas ng mga pahayag ang Pangulo at kahit itanggi pa ito o ikonsiderang biro ng Malacañang, hindi mabubura ang katotohanan na sinabi ng Punong Ehekutibo ang mga pahayag.

“Incitement to crimes vs humanity is not a crime under Rome Statute, incitement that leads to killing is,” ani Carranza.

Habang sa 101-pahinang desisyon kaugnay sa petisyon sa pag-alis ng Filipinas sa ICC,  inatasan ng Korte Suprema ang administrasyong Duterte na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC taliwas sa paninindigan ng gobyerno na hindi na umano bahagi ng Rome Statute.

Sa desisyong akda ni Associate Justice Marvic Leonen, sumang-ayon ang SC na nananatili ang hurisdiksiyon ng ICC sa mga krimen na ginawa ng isang estado hanggang hindi pa opisyal na epektibo ang pag-alis.

Noong nakaraang buwan, idineklara ni Pangulong Duterte na hindi siya pahuhuli nang buhay sa ICC.

“Alam mo kung gusto talaga ninyo akong… It’s over my dead body. Makuha ninyo ako, dalhin ninyo ako doon sa Netherlands patay. You will have a carcass. Hindi ako pupunta roon buhay, mga ulol. Pero ‘pag nakita ko kayo rito, na unahan ko na kayo. Mga l**** kayo. Ito namang Human Rights…” aniya sa kanyang Talk to the People.

Naunang inamin ng Pangulo na takot siya sa mga pagbabantang sasampahan ng kaso nina dating Sen. Antonio Trillanes IV at dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kaya sasabak siya sa 2022 vice presidential race upang makaligtas sa asunto.

Si Trillanes ang isa sa naghain ng reklamo sa ICC laban kay Duterte at nangakong siya mismo ang magboboluntaryong maghatid sa The Netherlands kapag lumabas na ang warrant of arrest laban sa punong ehekutibo.

About Rose Novenario

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *