Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo

Bea sa cellphone ng BF — I respect one’s privacy, parang toothbrush sa iyo lang

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

SA mga sagot ni Bea Alonzo sa mga tanong sa kanya noong sumalang siya sa Guilty or Not Guilty challenge sa The Boobay And Tekla Show ng GMA-7 nitong Linggo, September 12, parang ang bait-bait  at napaka-understanding na girlfriend ng aktres. 

Pero bakit kaya iniwan pa rin siya ni Gerald Anderson

Ani Bea, ‘di naman siya selosa at suspetsosa. Hindi siya nagtsi-check ng cellphone ng boyfriend n’ya para mahuli kung may kalampungan itong iba. 

Ang ganda pa nga ng analogy (paghahambing) ni Bea kung bakit ayaw n’yang pakialaman ang telepono ng BF n’ya. 

Pahayag n’ya: ”Never akong nag-check ng phone kahit na… oo, never. 

“Parang I respect one’s privacy. Parang feeling ko kasi, ‘yung cellphone, parang toothbrush. Sa ‘yo lang.”

Napaka-reasonable at praktikal na babae ni Bea. Pahihirapan lang ng babae ang sarili nito sa pag-check ng cellphone ng boyfriend sa suspetsang nagloloko ito. Makahahanap at makahahanap ng paraan ang isang karelasyong nais magloko.

Bulalas pa ng aktres, ”Parang binibigyan mo lang din lalo ng pasakit ‘yung sarili mo. Kasi kahit ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko…

“So, never. Never in my life…”

Selosa ba siya? 

“Sa totoo, hindi ako selosa. Kahit tanungin niyo ‘yung mga… well, ‘yung isang ex, hindi.

“’Yung ibang exes. Charot!” sabay tawa ni Bea.

Kabilang sa mga dating boyfriend ni Bea sina Gerald, Zanjoe Marudo, at ang yumaong si Miko Palanca.

Parang ang kaibahan lang nina Bea at Julia Barretto ay edad. Parang wala namang diperensya si Bea para iwanan ni Gerald. Iniwan siya ni Gerald dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na mapaibig ang isang mas bata kaysa kay Bea noong nagsyuting sila ni Julia ng Between Maybe’s sa isang malayo at nakaka-depress na isla sa Japan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …