Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arnell Ignacio, Sean de Guzman

Arnell hanga sa dedikasyon ni Sean

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ISANG maulang gabi, nagkayayaan para mag-dinner sa bahay ni Arnell Ignacio.

Naku, walang aalalahanin sa health protocols. Dahil maliligo ka sa alcohol at disinfectant mula ulo hanggang paa pagpasok mo pa lang sa tahanan nila ng anak na si Pia.

Nagsalo sa napakasarap na in-order ng kaibigan sa Dampa Restaurant.

At saka naalalang magtanong ni Arnell. Kung mayroon sa aming marunong maglaro ng mahjong.

Hindi ako ‘ika ko natuto. Kahit pa hustler na sa lahat ng sugal ang nagturo sa akin (Ace Vergel). Ayoko lang matuto.

Eh, marunong ang mga kasama ko. So, inilabas ni Arnell ang binili pa  niyang mahjong set (na wala ang dice) na second hand at gulat nga siya na made of ivory pala ang mga piyesa.

So, mahjong 101 kami.

‘Yun pala ang magiging karakter niya sa Mahjong Nights na ididirehe ni Lawrence Fajardo for Vivamax.

Kasama niya sa movie si Jay Manalo. At dito nga niya napansin ang baguhang si Sean de Guzman. Sa script reading palang o storycon nila. Kung gaano kaseryoso ang alaga ng 3:16 Media Network ni Len Carillo.

At sinasang-ayunan ni Arnell na malayo ang mararating ni Sean.

“Sa prod zoom meeting ng ‘Mahjong Nights,’ kasama si Sean de Guzman. Nabilib ako. He read the script, asked pertinent questions, and dead serious about his craft… Looking forward to working with this young man.”

Nag-locked in shoot na ang grupo sa Angeles, Pampanga na sinalubong sila ng buntot ng bagyong Jolina. Habang papasok naman si Kiko!

May gagampanang muli si Arnell sa pagbabalik niya sa kinagiliwan niyang papel sa OWWA.  Na kinapaguran lang niya. Pero sa paghikayat sa pagbabalik niya ngayon, alam mong may maganda at malaking nagagawa si Arnell para sa nasabing ahensya ng ating pamahalaan.

Kasi naman ang utak! Samahan pa ng serbisyong walang pangungurakot!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …