Saturday , November 16 2024
road accident

Anak ng alkalde ng Lucban patay, kasama kritikal (Elf truck, 2 motorsiklo nagbanggaan )

HINDI nakalilgtasang 17-anyos anak ng alkalde ng Lucban, sa lalawigan ng Quezon, habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang kasama, nang makabanggaan ng minamanehong motorsiklo ang isang delivery truck nitong Lunes ng gabi, 13 Setyembre, sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang namatay na si Guitahm Oli Salvacion Dator, 17 anyos, anak ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator.

Patuloy na nakikipaglaban para sa kanyang buhay ang kasama ni Dator na si Sydney Mykel Saliendra, 20 anyos, government employee.

Sa ulat ng pulisya, sakay ng kani-kaniyang motorsiklo ang mga biktima at binabagtas ang kalsada sa sentro ng bayan dakong 9:50 pm noong Linggo, nang banggain sila ng isang Elf truck na minamaneho ng isang Brian Abana, 32 anyos, residente sa bayan ng Candelaria, sa naturang lalawigan.

Base sa kuha ng CCTV, nasa gitna ng intersection ng Rizal at Racelis avenues ang dalawa at papatawid nang biglang banggain ng rumaragasang truck.

Sa tindi ng pinsala sa ulo at katawan, agad dinala ang dalawa sa MMG Hospital Lucban ngunit binawian ng buhay ang batang Dator habang nilalapatan ng lunas sa loob ng tatlong oras.

Samantala, nananatiling nasa kritikal na kondisyon at walang malay si Saliendra dahil sa malalang pinsala sa ulo.

Dinakip ng mga nagrespondeng pulis si Abana, kasalukuyang nakapiit sa PNP custodial facility habang inihahanda ang kasong kriminal na isasampa laban sa kanya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *