UMABOT sa 92,896 doses ng mga bakuna ang naiturok sa mga residente ng bayan ng Cainta, sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa Facebook post ni Cainta Mayor Keith Nieto, kabilang sa kabuuang bilang ang 63,412 para sa unang dose, habang 29,484 para sa ikalawang dose.
Aniya, naibahagi ang 6,532 doses sa frontliners; 29,398 sa senior citizens na nasa kategoryang A2; habang 24,870 sa A3 o persons with comorbidities; at 32,096 sa A4 o frontline workers.
Kaugnay nito, nangangailangan ng tatlong boluntaryong doktor at mga nurse ang munisipalidad upang maging bahagi ng vaccination roll out team para sa mas mabilis na pagbabakuna.
Pahayag ng alkalde, “Should there be no volunteer takers, I will offer professional compensation just to address the need for additional manpower.” (EDWIN MORENO)