Monday , May 12 2025

2022 budget dagdagan ituon sa batayang pangangailangan (Hamon ng CoVid-19 Delta variant harapin)

IMINUNGKAHI ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na i-overhaul ang panukalang P5.024 trilyong budget sa 2022 upang matugunan ang mga karagdagang hamon dulot ng CoVid-19 Delta variant pati ang mahalagang pangangailangan ng mga Filipino.

Ito ang payo ni Pangilinan sa economic managers ng gobyerno sa briefing ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) ukol sa 2022 national budget.

Ayon kay Pangilinan, ilang beses niyang narinig mula sa Department of Budget and Management (DBM) at iba pang opisyal ng gobyerno na wala pang Delta variant noong binubuo ang panukalang budget.

“Ngayon, dapat maging bukas at handa tayo na i-overhaul ang panukalang ito upang matugunan ang mga problemang dulot ng Delta variant,” giit ni Pangilinan.

Bukod dito, sinabi ng Senador na dapat ikonsidera ang iba pang mga hamon na posibleng kaharapin dahil sa Delta variant, lalo sa ekonomiya, kabuhayan, at sa supply ng pagkain ng mga Filipino.

Una nang hiniling ni Pangilinan sa gobyerno na dagdagan ang pondo ng Department of Agriculture (DA) upang matiyak ang sapat na supply ng abot-kayang presyo ng mga pagkain habang may pandemya, benepisyo at allowance ng health workers, pati na ang testing at contact tracing.

Nais din ni Pangilinan na madagdagan ang pondo ng Philippine General Hospital (PGH) at iba pang pampublikong hospital, ayuda para sa mahihirap, pambili ng bakuna, maliliit na negosyo, suporta sa mga driver ng pampublikong sasakyan, at iba pang lubhang naapektohan ng pandemya.

Pagdating sa DA, naglaan lamang ang DBM ng P72 bilyong pondo para sa ahensiya, na malayo sa hiling na P250 bilyon para sa 2022.

Hindi ito katanggap-tanggap kay Pangilinan, lalo pa’t maraming sektor ng agrikultura ang naapektohan hindi lang ng pandemya, kundi pati ng African Swine Fever (ASF).

“Makatutulong ang mas mataas na budget ng agrikultura upang masiguro na hindi magugutom ang ating mga kababayan at maisasalba ang mga trabaho sa sektor ng agrikultura,” pahayag ni Pangilinan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Elections

Init ng ulo ‘wag pairalin ngayong botohan 

I-FLEXni Jun Nardo ELECTION day! Hmm, alam na ninyo kung sino ang dapat iboto, huh! …

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *