Monday , November 18 2024

Duterte, Yang ‘magkasangga’ sa illegal drug trade (Ninong ng narco-politics) — Trillanes

ni ROSE NOVENARIO

“ANG presidente ng Filipinas, involved sa illegal drug trade.”

Isiniwalat ito ni dating Sen. Antonio Trillanes IV sa panayam sa online news site Press Room PH.

Ayon kay Trillanes, ang kapareha umanong drug lord ni Pangulong Rodrigo Duterte ay si Michael Yang mula alkalde pa ng Davao City ang punong ehekutibo.

Umiral ang ‘narco-politics’ aniya sa bansa dahil kay Pangulong Duterte.

“Dito sa ating bayan ‘yung sinasabi niyang narco-politics, siya ‘yun.”

May talent umano si Pangulong Duterte na ‘panlilinlang,’ kunwari ay galit na galit sa illegal drugs para hindi siya paghinalaan na sangkot sa mismong sindikatong nilalabanan niya kuno.

“Itong si Duterte kasama sa raket nila ‘yung importation ng illegal drugs. Kaya ang pinaka-skill ni Duterte ay paano siya manlinlang para hindi siya mapagsuspetsahan, kunwari siya ‘yung galit na galit sa droga para hindi siya mapagsuspetsahan. In fact iyang si Michael Yang ang drug lord na (ka)partner niya sa Davao pa lang,” sabi ni Trillanes.

Inilahad umano nina retired policeman at self-confessed former Duterte Death Squad (DDS) member Arturo Lascanas at dating police Col.  Eduardo Acierto ang pagkasangkot nina Duterte at Yang sa drug syndicate.

Sa katunayan, aniya, ay nagsumite pa ng confidential report si Acierto kay Pangulong Duterte sa illegal drug activities ni Yang ngunit inarbor umano ang kaibigang Chinese businessman at ang dating police colonel pa ang ipinapapatay pero nakapagtago agad.

“Dalawa ang nagsabi niyan, sina Lascanas at Col. Acierto. Gumawa ng report ang drug enforcement group si Acierto sa Malacañang. Para lang madistansiyahan ni Duterte itong si Michael Yang. Ano ang ginawa ni Duterte, inarbor si Michael Yang, pinapatay pa si Acierto. Mabuti na lang nakapagtago itong isa,” aniya.

Nang imbestigahan aniya ng Senado ang lumusot na P6.4 bilyon shabu sa Bureau of Customs (BoC) ay nabisto na walang takot na idinaan sa front door ang illegal drugs dahil iniulat ng karibal na triad. 

“Maliwanag ‘yun, ‘yung inimbestigahan namin sa Senado ‘yung P6.4-B drugs, talagang idinaan sa front door ang droga at pinalusot. Ini-report lang ng karibal nila sa Customs noong nakalusot na.”

“Karibal na triad ang nag-report. Nang iniimbestigahan na namin ‘yun, lahat ng involved sa importation naka-link doon sa pamilya ni Duterte, sa Duterte mafia. Iyan ang mabigat d’yan, hindi pa nga nauungkat ‘yan ha, dito pa lang tayo sa corruption.”

Hindi aniya nakapagtataka na naglalabasan na ang korupsiyon ni Pangulong Duterte dahil nakasanayan umano niya ang ‘culture of impunity,’ hindi siya pinapanagot sa mga ginawang krimen gaya ng pagpatay kaya naging bara-bara ang diskarte sa mga dokumento hanggang natuklasan ang korupsiyon sa pondo sa pandemya.

Inihalimbawa ng senador sa umano’y korupsiyon ni Duterte ang isiniwalat niya kamakailan na garapal na pagbibigay ng P6.4 bilyong halaga ng infrastructure projects sa mga kompanya ng ama at kapatid ni Sen. Christopher “Bong” Go.

Kahit medyo huli na ang pagkamulat ng ilang senador at publiko sa mga sinabing katiwalian ni Duterte ay okey na rin.

“Si Duterte, mamamatay tao, he admits that, alam naman ng mga kababayan natin ‘yan. Bakit hindi naisip ng mga tao na kapag mamamatay tao, nasa ilalim ang pagnanakaw. Kung kaya mong pumatay, barya lang sa iyo ang pagnanakaw.”

“Okey na ‘yan na lumalabas ‘yan. But believe me these people are working with an environment of impunity, kaya very reckless, walang pakialam sa documentation. Huling-huli itong mga taong ito very crude ang corruption tactics.”

Ang lahat ng alegasyon ay patuloy na itinatanggi ng Palasyo.

About Rose Novenario

Check Also

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *