Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval, Andrew E, Sunshine Guimary
AJ Raval, Andrew E, Sunshine Guimary

Andrew E nagulat sa pagpatok ng Shoot! Shoot!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI akalain ni Andrew E na after 18 years, papatok ang kanta niyang Shoot! Shoot! Umabot na kasi ito sa 40M sa Tiktok at 8.3M views ang trailer ng pelikulang may ganito ring titulo. na 

Sa virtual media conference ng pinakabagong handog na pelikula ng Viva Films, ang Shoot! Shoot! na pinagbibidahan ni Andrew E kasama sina AJ Raval at Sunshine Guimary, hindi rin mawagi ni Andrew na sa tagal na ng kanyang Shoot Shoot ay magiging sikat na sikat ngayon.

Actually, hindi naman din talaga bago na mag-click ang kanta ni Andrew dahil kahit noon pa, marami nang kanta niya ang tinangkilik at nag-click. Hindi rin siya nawawala sa limelight kahit hindi na siya ganoon kadalas gumawa ng pelikula. 

Ani Andrew, hindi rin niya kayang saklawan ang kasagutan sa kung bakit nga ba mula noon hanggang ngayon ay click na click pa rin siya. Kaya naman nasabi na lang niyang, “‘Yung value ng mga kanta  na nagawa ko eh nakapagbibigay ng kasiyahan, instead of the other way around. Kung mapaluma man o mapabago ang kanta, hinahanap-hanap ng tao kasi nakapagbibigay ng saya sa kanila and nakapagbibigay ng entertainment sa kanila.”

AJ Raval
AJ Raval

Sinabi rin ni Andrew na hindi niya akalain na sisikat at magba-viral sa Tiktok ang Shoot Shoot.

“Eighteen years ago, walang manghuhula na makahuhula na maghi-hit siya sa Tiktok. You and I, pareho tayo ng iniisip na hindi ko, ni sa isang iglap hindi ko naisip na mamahalan uli ‘yan ng masa o ng mga music lover na balikan ang ‘Shoot Shoot, 18 yrs ago. No idea, for that.

Sunshine Guimary
Sunshine Guimary

“Sa pressure naman sa mga kanta na dapat nagki-click, honestly, there is no pressure for me in writing my songs. Wala talaga. Hindi ako ganoon. And maybe ang tamang adjective for me to be look at ‘yung tipong I always write something that would  be new and fresh to the listeners. ‘Yun lagi ang iniisip ko, something new again and again,” giit pa ng komedyante.

Ang Shoot Shoot ay original song ni Andrew E. na naging hit sa TikTok  at ngayo’y isa na ring pelikula na mapapanood sa Vivamax simula October 8 na idinirehe ni  Al Tantay.

AJ Raval, Andrew E
AJ Raval, Andrew E

Ang Shoot! Shoot! ay tungkol kay Jack (Andrew E.), isang lalaking nakatira sa maliit na bayan, na ang tanging pangarap ay ang maging isang aktor. Pagkatapos sumabak sa napakaraming auditions, napili rin  sa isang role bilang tagapagmana ng kanyang mayamang kamag-anak. Habang binabasa ang kanyang mga linya, narinig siya ng kanyang kapitbahay tungkol sa pagpapamana ng 100 bilyong dolyar. Kaya nagsimulang magbago ang pakikitungo sa kanya ng mga tao nang biglang kumalat sa buong bayan na isa na siyang bilyonaryo. Biglang ang mga babae ay gustong makuha ang kanyang atensyon at hindi ring magandang atensyon ang nakuha niya sa ibang mga taga-bayan.

Andrew E, Sunshine Guimary
Andrew E, Sunshine Guimary

Nagbabalik naman si Diek Al mula sa pagdidirehe ng Pakboys: Takusa at Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, para sa isa na namang sure-hit na comedy film. At sa 6.5 million trailer views sa loob lang ng 48 hours, ang Shoot! Shoot! ay isa sa mga most anticipated movies ngayong taon.  

Ang comedy film ay nag-stick sa style ng classic 90s comedy film: slapstick at sexy comedy. Kaya naman malakas ang nostalgia nito sa mga taong lumaki na nanonood ng mga pelikula noong dekada 90. Ngunit hinaluan din nila ang kanilang comedy style ng mga puns at one hit liners na patok sa kasalukuyang henerasyon ng mga manonood. 

Kaya naman bata o matanda, siguradong laugh trip ito, kaya ‘wag palalampasin ang premiere ng Shoot! Shoot!: Di Ko Siya Titigilan! sa October 1, sa pinakabagong pay-per-view service ng VIVAMAX, ang Vivamax Plus.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …