Sunday , December 22 2024
Rodrigo Duterte, Michael Yang, China
Rodrigo Duterte, Michael Yang, China

Michael Yang ‘enkargado’ ni Duterte (Sa pro-China policy)

Hataw Frontpage Michael Yang enkargado ni Duterte (Sa pro-China policy) Away n’yo, bibilhin ko – Yorme Isko (Palasyo kinasahan)

ni ROSE NOVENARIO

LUMAKAS ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte na  kumiling sa China, hindi bilang state leader na inihalal ng 16 milyong Filipino, kundi dahil sa tulong ng ‘enkragado’ niya sa Beijing, ang inaangking kaibigang si Michael Yang.

Inamin ito ni Pangulong Duterte kahapon sa national convention ng PDP-Laban na ginanap sa Laus Group Event Centre, San Fernando City, Pampanga.

Mula noong 2016, magugunitang ipinatupad ni Duterte ang independent foreign policy na pagdistansiya kay Uncle Sam o sa Amerika, pero hindi itinago ang pagkiling sa China.

Mahihinuha ito sa kanyang mga pahayag kaugnay ng isyu hinggil sa Western Philippine Sea (WPS) na paboritong lamyerdahan ng mga barkong pandigma ng China.

“Ang key diyan si Yang. Yang is known to me, I admit it. And it was Yang whom I requested to do to lay — to do the — lay the ground or do the legwork of my going to China and getting into a new deal and a new relations because of — iyong foreign policy ko nag-neutral ako para makagalaw ako sa ibang… Kasi had I, you know, you stick with America, then limitado ka, because they would not enjoy you doing business,” sabi niya.

Kinompirma rin ng Pangulo na si Yang ang naging ‘pagador’ kaya nasungkit ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ang kontrata ng P10 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Procurement Service -Department of Budget and Management (PS-DBM).

“You know, ‘yung personality, the juridical personality ng kompanya is actually of no moment to us. If it’s a foreign corporation, it’s a foreign corporation doing business through a middleman here, e ‘di wala — iyan ang paraan e,” anang Pangulo.

“Wala naman si Michael Yang. He has no manufacturing factory in Davao. Ganoon ‘yan. Walang record ‘yan. Hindi kriminal ‘yan. Iyan ang gusto kong malaman ninyo na,” dagdag niya.

Mula nang ilabas ng Commission on Audit (COA) ang 2020 report na pinuna ang dispalinghadong paggasta ng Department of Health (DOH) sa P42-B CoVid-19 response fund na ipinasa sa PS-DBM ay naging bisyo ni Duterte na batikusin ang COA maging ang Senado na nag-iimbestiga sa overpriced medical supplies contract ng Pharmally.

Nang umarangkada ang Senate Blue Ribbon Committee investigation, ginawa ni Duterte na dalawang beses isang linggo ang kanyang Talk to the People, at walang kahihiyang umaastang tila abogado ng Pharmally, lalong binanatan ang mga senador at nagbabala sa kanila na mas marami pa umano siyang ilalabas na baho nila.

Pinagmumura rin ni Duterte si ret. P/Col. Eduardo Acierto dahil iniugnay si Yang sa international drug syndicate kaya nagtatago ang dating opisyal ng pulisya.

Sa kabila ng walang habas na pagbubunganga ni Duterte, hindi nagpatinag sa blackmail ni Duterte ang mga senador at lalong hinahalukay ang maanomalyang mga kontrata at tinatalupan ang mga sangkot na kaalyado ng Pangulo pati ang mga opisyal ng kanyang administrasyon.

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *