Saturday , November 16 2024
Dead Electricity

Lineman todas sa kuryente

PATAY ang isang 21-anyos lineman matapos makoryente habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa Malabon City.

Dead on arrival sa Fatima Medical Center (FMC) ang biktimang kinilalang si John Vincent Tan, lineman ng Rayvill Electric Construction Corporation sanhi ng sugat at pinsala sa ulo.

Ayon kay Malabon City Police deputy chief P/Lt. Col. Rhoderick Juan, iniulat sa pulisya nitong Lunes ni Joy Castro, 46 anyos, assistant branch manager ng biggest chain ng drug stores ang insidente, bagamat nangyari ang insidente noong Sabado, 4 Setyembre 2021 sa Industrial St., Victoneta Ave., Brgy. Potrero.

Sa nakarating na ulat sa opisina ni P/Col Albert Barot, hepe ng Malabon  City Police, ginagampanan ng biktima ang kanyang tungkulin, dakong 5:20 pm sa naturang lugar nang bigla makoryente. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *