BILANG pagkilala at pagbibigay karangalan sa delegasyon ng bansa sa Tokyo 2020 Paralympics sa kanilang ipinakitang galing, hinandugan ang mga atleta ng Cebu Pacific ng libreng biyahe na maaari nilang ibahagi sa kanilang mga team at tagasuporta.
Dahil naniniwala ang Cebu Pacific na “Every Juan deserves to fly,” bilang regalo ay libre ang flights ng delegasyon ng Filipinas sa Tokyo 2020 Paralympics na kinabibilangan nina Ernie Gawilan at Gary Bejino para sa Para Swimming; Jerrold Mangliwan para sa Para Athletics; at Allain Ganapin para sa Para Taekwondo.
“Our Paralympic delegation did their best and have proven that they deserve to fly. We recognize their efforts and are grateful to them for representing our country loud and proud – this is why we want them and their loved ones to enjoy free flights from us,” pahayag ni Candice Iyog, Vice President for Marketing & Customer Experience ng Cebu Pacific.
Bawat isa sa kanila ay tatanggap ng 25 free flights, bilang paggunita sa ika-25 taon ng Cebu Pacific.
Maaaring gamitin ang kanilag mga ticket sa kahit saang lokal na destinasyon at international short haul destination sa network ng Cebu Pacific.
“We stay true to our values that CEB exists for every Juan – with or without a medal, with us, no Juan gets left behind,” dagdag ni Iyog.