Sunday , November 3 2024

Higit 8.5-M vaccine doses inihatid ng Cebu Pacific sa iba’t ibang lugar sa bansa

PATULOY ang paghahatid ng Cebu Pacific ng mga bakuna kontra CoVid-19 na umabot sa 8.5 milyong vaccine doses patungo sa 25 probinsiya simula noong Marso ng kasalukuyang taon.

Sa huling dalawang linggo, inilipad ng Cebu Pacific ang higit sa 900,000 vaccine doses patungong San Jose, Ozamiz, Dumaguete, Legazpi, Puerto Princesa, Bacolod, General Santos, Iloilo, Cagayan de Oro, Cebu, Cotabato, Davao, Roxas, Tawi-Tawi, Dipolog, at  Zamboanga.

Pinakabago ang San Jose at Ozamiz sa listahan ng mga lugar na hinahatiran ng mga bakuna.

Nakatanggap ang San Jose ng 1,755 Sinovac doses noong 24 Agosto, habang nakuha ng Ozamiz ang 100 AstraZeneca doses Huwebes, 2 Setyembre.

Naghatid din ang Cebu Pacific ng mga bakuna sa Bohol, Boracay, Butuan, Cauayan, Kalibo, Masbate, Tacloban, Tuguegarao, at Virac.

“We are one with the government’s vaccination drive to reach a sizeable number of inoculated Filipinos as soon as possible. We will continue to distribute vaccines across our widest domestic network,” pahayag ni Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

Lahat ng bakuna ay naaayon sa safety standards at nakalagak sa mga temperature-specific container upang mapanatili ang bisa nito hanggang sa pagdating sa itinakdang mga vaccination sites. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *