PANANAW ng mga eksperto sa boksing na may kakulangan si Canelo Alvarez padating sa sa bilis sa pagharap niya kay IBF super middleweight champion Caleb Plant sa Nobyembre 6. Nahaharap siya sa isang mobile fighter na may matinding jab.
Ang mabagal na paggalaw niya at ang flat-footed fighting style ay punado ng mga eksperto. Kaya siya nananalo ay dahil puro nakatayo lang ang kalaban na naghihintay na lang ng mga suntok.
Ang isang kontrobersiyal niyang laban ay kontra kay Erislandy Lara noong 2014, na marami ang nagsasabi na dapat nanalo si Lara.
Nagpakawala lang si Canelo ng 31 headshots sa kabuuang laban, pero ibinigay pa rin ng tatlong judges ang panalo kay Canelo.
Si Plant (21-0, 12 KOs) ang unang magalaw na fightrer na makaharap ni Canelo simula nung 2013, at kaya lang niya makakaharap ito ay dahil wala na siyang pagpipilian pa.
Inaasahan na gagamitin ni Caleb ang kanyang jab at mobility para manatili sa labas si Canelo at hindi nito magamit ang power shots. Si Canelo ay isang counter puncher na nagpapawala ng pamatay kapag binabatuhan siya ng power punches.