Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Winwyn Marquez, Mahal

Winwyn dinibdib ang pagkawala ni Mahal

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

BAKAS sa social media posts ni Winwyn Marquez na dinibdib niya nang husto ang pagpanaw ni Mahal nitong August 31, 2021.

Itinuring ni Winwyn na ate si Mahal kaya’t nagpatuloy  ang pagkakaibigan nila nang magpaalam sa ere ang kanilang teleseryeng Owe My Love sa Kapuso network

SunOd-sunod ang posts ni Winwyn sa Instagram para ipagluksa ang pagkamatay ni Mahal.

Mensahe ni Winwyn, (published as is), “From the first day na nakilala at nakasama kita parang naging ate na kita..

“Lagi mo ako kimakamusta, sinasamahan, at inaalagaan, kayong 2 ni Mygz pinaramdam niyo na hindi ako iba,” pagtukoy sa isa pa nilang co-star na si Mygz Molino.

Dagdag ni Winwyn, “Kahit pag labas natin sa lock-in napaka supportive at ateng ate ka pa din. napakabuti mong tao, ate mahal..

“Hindi padin ako makapaniwala na wala ka na.

“Sabi mo magkikita at mamamasyal pa tayo..

“Salamat sa ngiti na binigay mo saamin at lalo na saakin salamat sa mga usapang life and love..

“I really want to hug you right now.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, nakiramay si Winwyn sa mga naulila ni Mahal.

SunOd-sunod din ang post ng actress-beauty queen sa kanyang Instagram Story ng masasayang alaala nila ni Mahal.

Kuha ang mga larawan nila mula sa lock-in taping ng pinagsamahang teleserye.

Sa isang IG Story, ibinahagi ni Winwyn ang sayang idinulot ni Mahal sa kanilang set.

Paglalarawan ni Winwyn sa komedyana (published as is): “Our Little ball of sunshine. Lagi kami pinapasmile lagi kami pinapatawa.. ate mahal gusto kita ihug [sad emoji]”

Hindi rin maglalaho sa isip at puso ni Winwyn ang bonding nila sa set. Si Mahal pa mismo ang nag-iisip ng konsepto ng TikTok entries ni Winwyn.

Ayon kay Winwyn, “sobrang sakit” ang pagkamatay ni Mahal at ayaw niyang maniwala.

“Naging ate talaga kita. Lagi mo ako sinasamahan at inaalagaaan, ” mensahe niya kalakip ang happy picture nila ni Mahal na magkayakap. 

Noong umaga ng Miyerkoles, September 1, ipinost naman ni Winwyn ang collection of TikTok videos nila ni Mahal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …