Saturday , November 16 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Panahon na naman ng mga ‘hari’

YANIG
ni Bong Ramos

PANAHON na naman ng mga ‘hari’ na animo’y sila lang ang anak ng ‘diyos’ na nagaganap lang sa tuwing inilalagay sa estado ng enhanced community quarantine (ECQ), MECQ o kaya’y naka-lockdown ang National Capital Region (NCR) at mga karatig nitong probinsiya.

Ang ating tinutukoy dito ay walang iba kundi ang pulisya at ang ilang barangay na kung diktahan ang publiko ay parang alipin nila na wala namang ibang magagawa kundi ang sumunod dahil sa ‘kakaibang’ kapangyarihan at awtoridad na ibinigay sa kanila ng gobyerno.

May basbas sila o blanket authority na para bagang may konsinti sa itaas. Hindi puwedeng mabali ang kanilang salita at utos na wala kang ibang opsiyon kundi ang sumunod.

Wala kang karapatan mangatuwiran at sumagot lalo sa mga nagmamando sa mga checkpoint sa iba’t ibang lugar lalo sa mga boundary ng mga bayan sa mga probinsiya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo.

May mga pagkakataon na pababalikin ka sa iyong pinagmulan kapag hindi nasiyahan sa mga dokumentong ipinakita.

MMay mga ulat din tayong natatanggap na nanghihingi ng lagay para makalusot nang walang abala.

Kalimitan daw na nangyayari ito sa mga pribadong sasakyan na may lulang apat o higit pang pasahero na umano’y lumabag sa social o physical distancing, yari agad kayo, ‘di po ba?

Payat daw ang P500 na ilalagay sa mga damuho segun sa rami ng lulan ng iyong sasakyan at ipepresentang mga dokumento, pet-malu!  

Ang ganitong situwasyon kadalasan ay nangyayari sa mga probinsiya ng Bulacan, Pampanga, Bataan hanggang sa Zambales na may mga checkpoint na nakatalaga sa bawat bayan na babaybayin.

May koordinasyon umano sa pamamagitan ng kanilang mga radyo, kapag sinabi ninyong nakapagbigay na kayo sa mga unang checkpoint ay passé na kayo sa iba pa at tuloy-tuloy na ang inyong biyahe hanggang sa inyong destinasyon.

Kawawa naman ang publiko sa ganitong kalagayan dahil walang ipinagkaiba sa hayop kung sila ay itrato ng mga awtoridad. Nandon na ang bulyawan, ipagtulakan at kung minsan ay kung ano-ano pa ang ipagagawa sa iyo na para bang isang laruang de-susi.

Walang espasyo at hindi na makahinga ang publiko. Puro na lang hirap at dusa ang dinaranas lalo pang pinahihirapan dahil sa mga polisiya at mga ipinatutupad na batas na kung minsan ay hindi naman praktikal.

Kung sa bagay ay sumusunod lang naman sila sa utos ng mga bumabalangkas ng mga batas na ito na walang iba kundi ang mga ‘hari ng mga hari’  — ang IATF na maski kailan siguro ay hindi apektado ng hirap at dusa ng bayan, bagkus ay baka ‘kumikita’ pa raw.

At heto na naman nga ang kung ano-anong klase ng lockdown na kanilang ipinatutupad, may granular lockdown, special lockdown, isolated lockdown na hindi na maintindihan ng madlang people. Huwag naman sanang kung ano-ano pa ang ipinagagawa ninyo. Maawa na kayo sa hirap na dinaranas ng sarili ninyong mga kababayang Filipino.

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *