Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, Gerald Anderson
Bea Alonzo, Gerald Anderson

Gerald ‘di pa handang patawarin ni Bea

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Gerald Anderson sa online show ni Boy Abunda, napag-usapan nila si Bea Alonzo, ex ng aktor. Gusto nitong humingi  ng tawad sa aktres at hiling na sana ay magmove-on na silang pareho.

Sa isang interview ni Bea, kinuha ang reaksiyon niya sa paghingi ng tawad sa kanya ni Gerald. 

Pero mukhang masama pa rin ang loob nito sa dating minamahal, dahil sabi niya ay hindi pa niya mapapatawad si Gerald. At hindi pa rin siya handa na patawarin ito.

Ani Bea, ”Ang plastic ko kasi ‘pag sinabi kong pinatawad ko na siya matagal na.

“It’s not about just forgiveness or asking for forgiveness. It’s about taking accountability and responsibility for your actions.

“Madali kasing humingi ng sorry, ng pagpapatawad, pero anong gagawin mo pagkatapos niyon?”

O ‘di ba, hindi pa kayang patawarin ni Bea si Gerald? Pero dapat ay patawarin niya na ito, baka kasi masabihan pa siyang hindi pa nakaka- move on sa hiwalayan nila at mahal pa rin niya ito, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …