DUMATING kahapon ang 138 Pinoy na stranded sa Bahrain sa pamamagitan ng Repatriation Program ng pamahalaan.
Ang repatriates ay pawang mga sanggol, bata, pardoned detainees, medical patients, at mga buntis.
Halos ilang linggo at buwang stranded ang mga nasabing Pinoy sa naturang bansa bunsod ng limitadong biyahe ng eroplano mula Bahrain papuntang Filipinas.
Nagsagawa ng ayuda ang embahada ng Filipinas sa Barhain upang matulungang makauwi ang mga Pinoy na stranded.
Sinagot ng embahada ang kanilang airfare sa Gulf Air sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals (ATN) fund ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Nakipag-ugnayan ang embahada sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang ahensiya ng gobyerno para sa repatriation ng mga Filipino.