Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Antonella Berthe Racasa, Woman National Master, Chess
Antonella Berthe Racasa, Woman National Master

Racasa bagong Woman National Master

NAKAMIT ni Antonella Berthe Racasa ng Mandaluyong City ang titulong Woman National Master.

Si Racasa na nag aaral sa Homeschool Global ay ipinakita ang kanyang husay sa mas nakaka­tandang mga nakalaban.

“These things can happen when you want to win so much and are playing so intensely,” sabi ni Robert Racasa, father at coach ni Antonella Berthe na kilalang Godfather ng Philippine Memory.

Si Racasa, 14,  ay maraming beses  na nagbigay ng karangalan sa bansa matapos manalo sa mga nakalipas na International tournament gaya ng ASEAN Age Group Chess Champion­ships kung saan ay gold medal sa Girls 12 and under sa 2018 edition sa Davao City, Philippines at bronze medal finish sa 2017 edition sa Kuantan, Pahang, Malaysia.

“NCFP is pleased to confirm herewith that Antonella Berthe Racasa has obtained the title of Woman National Master in the year 2021,” sabi ni National Chess Federation of the Philippines Chairman/President Senior Deputy Speaker Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr.

Ang kampanya ng chess whiz kid ay suportado nina Manda­luyong City Mayor Menchie Abalos, MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., councilor Charisse Abalos, sportsman Reli De Leon, Rogelio Lim ng Boni Towers, Mam Rose Montenegro ng Makati Med, Jean Altobano ng Multimodal Security Agency, Mam Sue Geminiano ng Sogo Hotel, Sir Hermie Esguerra, Sir Raffy Garcia ng Rotary Club of Pasig at Boss Edgard Cabangon ng ALC Group of companies.

(Marlon Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …