Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jinkee Pacquiao, Darryl Yap
Jinkee Pacquiao, Darryl Yap

Jinkee Pacquiao gustong paartehin ni Direk Darryl

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

HINDI pala isang artista ang pangarap maidirehe ng pinakaabalang direktor ng Viva Films na si Darryl Yap kundi isang celebrity wife. 

At ‘yon ay walang iba kundi si Jinkee Pacquiao, ang misis ng boxing champ at senador na si Manny Pacquiao. 

Sa nakaraang digital press conference ng bagong pelikula ni Darryl na  69 + 1, sinabi niyang si Jinkee ang kanyang nais na makatrabaho.

Pagtatapat ng batang director: ”Ang mga gusto ko talagang makatrabaho, mga mayayaman talaga.

“Gusto ko sanang makatrabaho si Jinkee Pacquiao. Parang gusto kong paartehin si Jinkee Pacquiao, tapos magbibitaw siya ng mga Darryl Yap script. I wanna see that. Parang exciting,” ang hindi nagbibirong sabi ni Darryl.

Seryoso si Darryl na gawing artista si Jinkee at kung tatanggapin nito ang alok, sigurado nang may proyekto agad para sa kanya.

Samantala, alam n’yo bang si Aling Dionisia ang isa sa pinakahuling naging leading lady ng legendary Pinoy actor na si Eddie Garcia bago ito yumao? 

‘Yon ay sa pelikulang Tatlong Bibe na idinirehe ni Joven Tan para sa isang kompanya na ang isa sa mga prodyuser ay si Edith Fider ng Saranggola Productions. 

Mag-asawa ang papel nina Eddie at Mommy Dionisia sa pelikula na maaaring inililigid pa rin ng production company sa elementary schools dahil pambata  ang pelikula. 

At alam n’yo bang may mga malalaking kompanya na gustong bilhin ang Tatlong Bibe dahil nga isa ito sa mga huling pelikula na ginawa ni Eddie? Mas tumitindi pa nga ang interes ng mga gustong bumili ng pelikula dahil si Mommy Dionisia ang love interest ng yumaong dakilang aktor. 

Kung mag-aartista ang bilyonaryang si Jinkee kahit sa ilang pelikula lang,  posibleng matalbugan n’ya ang biyenan n’ya!

Sa ngayon ngang sa paggamit pa lang ni Jinkee ng signature outfits and accessories ay effortless na nagiging center of attraction siya, eh ‘di mas lalo pa ‘pag naging artista siya ng Viva at gagawan talaga siya ng publicity and promo plan, baka pati ang mister n’ya ay malaos sa kanya. 

Hala na, Jinkee, patulan mo na ang mistulang alok ni Darryl Yap. Magiging ka-level ka na ni Sharon Cuneta at matatalbugan mo na sina Kris Aquino at Heart Evangelista!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …