Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beautician arestado sa ipinuslit na tsokolate

ISANG 24-anyos beautician ang nadakip nang mang-umit ng tsokolate sa isang drug store nitong Sabado ng umaga, 28 Agosto, sa lungsod ng San Juan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si August Leo Quiambao, 24 anyos, isang beautician.

Nabatid na dakong 8:00 am kamakalawa, nang pumasok si Quiambao sa drug store sa Brgy. Rivera, sa lungsod, at nagpanggap na namimili.

Ayon sa security officer na si Ferdinand Talamisan, kinuha ng suspek ang dalawang piraso ng tsokolateng Toblerone na nagkakahalaga ng P232 at inilagay sa dala niyang bag saka mabilis na lumabas nang hindi nagbabayad.

Dito na hinarang ni Talamisan ang suspek at hiningan ng resibo ngunit walang maipakita sa guwardiya.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong qualified theft.

(EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …