Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno, Honey Lacuna, Pedro Gil residences
Isko Moreno, Honey Lacuna, Pedro Gil residences

20-storey Pedro Gil residences sinimulan na ng Manila gov’t

INIHUDYAT na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang konstruksiyon ng ika-limang proyektong pabahay para sa mga umuupa at informal settlers, sa isang groundbreaking ceremony, kahapon.  

Pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ceremony ng 20-storey Pedro Gil Residences na matatagpuan sa kanto ng Augusto Francisco at Perlita  streets sa San Andres Bukid.

Ayon kay Mayor Isko, ang konstruksiyon ng nasabing housing project ay naglalayong itaas ang estado ng mga informal settlers sa kabiserang lungsod ng bansa.

“Habang busy tayong tumatakas sa pandemya, kailangan ituloy ang ating mga pangarap. Nakapapagod. Pero hindi baleng pagod basta makita kong nakangiti kayo masaya na ako,” anang alkalde.

“We will not stop. We will put roof over people’s heads. Bibigyan natin ng kapanatagan sa pamumuhay ang mga taong habangbuhay na lang nangungupahan. We will give them homes,” dadag ni Mayor Isko.

Kasama ni Mayor Isko si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, City Engr. Armand Andres, City Arch. Ely Balmoris, at City Health Officer Arnold Pangan sa nasabing seremonya.

Ang Pedro Gil Residences ay may 309 residential units: 125 parking slots, health center, limang elevator sa residential units, swimming pool, activity lawn, function room, fitness center, roof garden sa 6th floor roof deck, limang units ng paupahang espasyo, outdoor activity area sa 7F, 13F, at 18F, at basketball court sa roof deck.

Kamakailan, sinimulan na rin ng pamahalaang lungsod ang konstruksiyon ng San Lazaro Residences bilang bahagi ng housing program ng Maynila.

Kaugnay nito, target ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tapusin ang konstruksiyon ng Tondomnium 1 & 2, ganoon din ang Binondominium, sa loob ng taong kasalukuyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …