Sunday , December 22 2024
FDCP, Philippine Film Industry Month, Ngayon ang Bagong SineMula
FDCP, Philippine Film Industry Month, Ngayon ang Bagong SineMula

FDCP ipagdiriwang ang pinakaunang Phil Film Industry Month

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NGAYONG taon ginugunita ang heritage, significance, at legacy ng Philippine Cinema kaya naman ipagdiriwang ng Film Development Council of Philippines (FDCP),  ang Philippine Film Industry Month,  na ang tema ay Ngayon ang Bagong SineMula.

At dahil sa Covid-19 pandemic, gagawin ang Philippine Film Industry Month 2021 sa pamamagitan ng online sa social media pages ng FDCP para sa Opening at Closing events. Ang screenings naman ay eksklusibong idaraos sa FDCP Channel virtual platform (fdcpchannel.ph). 

Ang Opening ng Philippine Film Industry Month ay magsisimula sa Setyembre 1 na ipalalabas ng live sa Facebook pages at YouTube channel ang paglulunsad ng Nood Tayo ng Sine Campaign kasama ang important announcements mula sa International Film Industry Conference (IFIC), First Cut Lab Philippines (FCL PH), FDCP FilmPhilippines Incentives Program, at Mit Out Sound: International Silent Film Lab.

Ang flagship program ng FDCP, ang ikalimang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ay nagbabalik sa FDCP Channel kasama ang first leg nito, tampok din ang free screenings mula sa Sine Kabataan Short Film Competition at Sine Isla: LuzViMinda Short Film Competition mula Setyembre 17 hanggang 26.

Ipalalabas din ng libre sa FDCP Channel ang walong heritage films na restored o enhanced ng FDCP Philippine Film Archive kabilang dito ang  Insiang ni National Artist Lino Brocka at ”Manila by Night ni National Artist Ishmael Bernal sa buong buwan ng Setyembre, at ang mga pelikula sa espesyal na Elwood Perez Retrospective mula Setyembre 25 hanggang 30. 

Tatlong pelikula, Ang Turkey Man Ay Pabo Rin ni Randolph Longjas at ang mga restored version ng Bata Bata Paano Ka Ginawa at Dekada ’70 ni Chito S. Roño ay for rental para sa Pamana ng Lingkod Bayani @ FDCP Channel mula Setyembre 1 hanggang 12, isang partnership sa  Civil Service Commission (CSC) at FDCP upang ipagdiwang ang 121st Philippine Civil Service Anniversary.

Samantala, ang natatanging in-person na kaganapan ay ang Philippine Film Industry Gala sa The Manila Metropolitan Theater (MET) sa Setyembre 12 tampok ang by-invitation na screening ng Dalagang Ilocana ni Olive La Torre, launch ng Elwood Perez Retrospective, at ang book launch ng Ang Daigdig ng mga Api ni Clodualdo “Doy” del Mundo, Jr., Alter/native Cinema: The Un-chronicled History of Philippine Alternative Cinema at Three-Volume Anthology of Essays on Philippine Cinema (Vol.1 Philippine Cinema and History; Vol.2 Philippine Cinema and Culture; and Vol.3 Philippine Cinema and Literacy) ni Nick Deocampo, at Keeping Memories: Cinema and Archiving in Asia-Pacific ng SouthEast Asia-Pacific Audiovisual Archive Association (SEAPAVAA). 

Espesyal na araw ang Setyembre 12 sa Philippine Cinema dahil ito ay kung kailan naipalabas noong 1919 ang Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno, ang pinakaunang Filipino-produced at directed na feature na pelikula. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *