Wednesday , October 27 2021

Anim na Special Feature Films tampok ngayon sa PPP 2018

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng Sandaang Taon ng Philippine Cinema ngayon buwan ng Agosto, ipinakilala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang anim na pinarangalang mahuhusay na independent films na kabilang sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Special Feature Section sa press launch nitong 1 Agosto 2018 sa Lungsod ng Quezon. Binuksan ng FDCP ang PPP Special Feature Section para sa mga katangi-tanging independent films na nagkamit ng pagkilala sa malalaking independent film festival sa bansa. Ang mga ito ay Balanginga: Howling Wildernes ni Khavn (QCinema207), Gusto Kita with all my Hypothalamus directed by Dwein Baltazar (Cine Filipino), High Tide directed by Tara Illenberger (ToFarm 2017), Kikko Boksingero ni Thop Nazareno, (Cinemalaya 2017), Paki ni GianCarlo Abraham (Cinemaone Originals 2017) at Tu Pug Imatuy dinirehe ni Arnel Barbarona (Sinag Maynila 2017) ay ipapalabas lahat sa piling sinehan nationwide simula  15-21 Agosto 2018 kasama ang PPP main entries.

Ipapalabas ang Special Feature Section ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 mula 15-21 Agosto sa SM North Edsa, SM Megamall, SM Mall of Asia, SM Manila, SM Fairview, SM Sta. Mesa, Gateway Cineplex and Robinsons Galleria.

“We are very grateful and proud that PPP gets to screen these six films which are more than worthy to be watched and appreciated by a wider audience, (Ikinagagalak at ‘pinagmamalaki namin na ang anim na pelikulang ito ay kasamang ipapalabas sa PPP na karapat-dapat mapanood at ma-appreciate ng mas malawak na audience),” ani FDCP Chairperson Liza Diño sa press launch.

“This month is certainly an exciting time for Philippine Cinema as all types of Filipino films that we have today will be featured, (Kaabang-abang ang buwan na ito sa Philippine Cinema dahil lahat ng klase ng pelikulang Pilipino na meron tayo ngayon ay ipapalabas),” dagdag ni Diño.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Paolo Contis, LJ Reyes, Aki Avelino, Summer Contis

LJ mas tahimik sa ny kaya wala pang balak bumalik ng ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon IYONG isa pang humiwalay din naman at mabuti’t hindi pa siya nakapag-pakasal, …

Kylie Padilla, Alas Joaquin Abrenica, Axl Romeo Abrenica

KYLIE PINURI NG PARI
(Tungkulin bilang asawa at ina nagampanan)

HATAWANni Ed de Leon PATI iyong isang pari na nagmisa noong Lunes ng umaga sa aming …

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KOni Danny Vibas “LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng …

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Ping Lacson

Joey sinupalpal mga nagkakalat ng fake news; Solid Ping-Sotto tandem

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATIKIM ng supalpal mula kay Joey de Leon, Eat Bulaga host ang mga …

Kris Aquino, Mel Sarmiento

Kris tinanggap ang alok na kasal ni Sarmiento; Mga kaibigang celebrities kinilig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa tapos ang pagpapakilig ni Kris Aquino sa kanyang fans dahil …

Leave a Reply