Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, Derek Ramsay
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna, Derek Ramsay

Derek kung iimbitahan si Lloydie sa kanilang kasal — Si Ellen ang bahala riyan

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

SA nalalapit na kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay, may mga nagtatanong kung imbitado ba ang  ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz.

Sagot ni Derek, nang itanong ‘yon sa kanya ng PEP. Ph kamakailan: “That’s up to Ellen. I wouldn’t mind if she decides that she would want him there to see Elias, siya ang ring bearer namin (si Elias, 3, anak nina Ellen at John Lloyd). 

“It’s perfectly fine for me. Wala namang animosity between John Lloyd and me, so super okay naman sa akin ‘yun.”

Nilinaw din ni Derek na hindi isyu kung hindi man maimbita o makadalo si John Lloyd.

Maliit lang kasi ang pinaplano nila ni Ellen na kasal. “Talagang very, very intimate, very, very small,” sambit ng aktor.

Pagbibigay-diin pa ni Derek, “Ellen and John are very civil with one another and they are doing a good job co-parenting Elias.”

Pagtatapat pa n’ya, “When Elias is here, John Lloyd knows his son is safe. When Elias is with John Lloyd, Ellen knows that Elias is safe.”

Nabanggit din ni Derek na si John Lloyd ang nag-alaga kay Elias, bilang proteksiyon noong nag-quarantine si Ellen ng 20 days.

Iyon ‘yung panahong lumabas na false positive ang swab test result ni Ellen bago umuwi mula sa taping ng John En Ellen.

Ang John En Ellen ay ang TV5 sitcom na pinagbidahan nina Ellen at John Estrada mula January hanggang August 1, 2021.

Hindi man nagbahagi ang aktor ng detalye tungkol kasal, siniguro ni Derek na magaganap ito ngayong taon.

 “’Yung stress lang namin siguro ‘yung hindi namin alam ang ruling by then sa petsa ng kasal namin. This year na.

“But the energy in the house is wonderful, nararamdaman mo. You feel it’s a home now.”

Masaya si Derek dahil nasa bahay na rin niya sa Alabang ang kanyang mga magulang.

“Si Mommy at si Daddy and si Ellen, sobrang magkasundo. Tapos kasundo ko si Elias.

“Masaya ‘yung bahay, ‘pag pumasok ka talaga sa bahay mararamdaman mo.

“We just want to do our part to spread positivity.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …