Sunday , December 22 2024

‘Kinatay’ na pahayag ni Duterte urong-sulong sa 2022 VP bid

IBINISTO ng dalawang miyembro ng gabinete na ‘kinatay’ ang isinapublikong Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kanyang pagtakbo bilang vice presidential bet ng ruling party PDP-Laban sa 2022 elections.

Sa ilang panayam sa media, kinompirma nina Presidential Spokesman Harry Roque at Cabinet Secretary at PDP-Laban executive vice president Karlo Nograles na nauna sa pagkompirma ni Pangulong Duterte na tatakbo siyang vice presidential candidate sa 2022 ay sinabi muna niya na aatras sila ni Sen. Christopher “Bong” Go bilang standard bearer ng PDP-Laban kapag natuloy si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang 2022 presidential bid.

        “Lilinawin ko lang po na kagabi nagsalita ang presidente, ang sabi niya kung tatakbo si Mayor Sara Duterte, out siya at out din po si Senator Bong Go,” ani Roque sa panayam sa Radyo Pilipinas.

Idinahilan umano ni Pangulong Duterte ang delicadeza kaya hindi pabor sa Duterte-Duterte tandem sa 2022.

“If i were to quote him, sandali po ha, kasi isinulat ko po ang kanyang sinabi, sandali lang po ah, ito, ang kanyang sinabi po ay, “Should Sara decide to run, Bong Go is out. For my part, dahil delicadeza, hindi po puwede dalawa kami diyan, if she runs, out na rin ako, so ‘yun po ang sinabi niya,” dagdag niya.

“Parang inililinaw ko po ‘yung mga lumalabas na pahayag na kompirmado nang tatakbo si Presidente ng Vice President. ‘Yung ipinakita po sa Talk to the People ‘yun po ‘’yung tinanong siya kung hindi na nga tatakbo po si Mayor Sara e tatakbo siya. Pero ang talagang sagot po ay tatakbo ba siya ng vice president? Ang sagot ay hindi kung tatakbo po si Mayor Sara Duterte sa pagka-presidente. Tatakbo siya kung hindi tatakbo si Mayor Sara.”

Gayondin ang ginawang paglilinaw ni Nograles sa panayam sa CNN Philippines kahapon.

“He said that if Mayor Sara runs, then he is considering not running for vice president. Sinabi niya. He said na ‘yung Duterte-Duterte tandem to him – and he’s always consistent diyan — sabi niya pag Duterte-Duterte parang to him, he is not convinced that it should happen, at least itong 2022 national elections,” sabi ni Nograles.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *