Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Tolentino, Madam Inutz Daisy Lopez
Wilbert Tolentino, Madam Inutz Daisy Lopez

Madam Inutz gagawan ng single ni Wilbert

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ISANG mukha na naman ng pagbibigay ng tulong ang ihinain ng former Mr. Gay World titlist, negosyante, social media influencer, at philanthropist na si Wilbert Tolentino.

‘Am sure, marami na ang naka-encounter sa isang viral online seller at nakikita sa sari-saring social media platforms na kinikilala bilang si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay.

Ito ang pinakabagong binabahaginan ng tulong ni Wilbert. At bilang bagong manager na ni Madam Inutz, kontrata na walang kukuning komisyon si Wilbert ang ibinigay dito. Na sinaksihan ni Atty. Bertini Causing na nakasulat sa Filipino dahil na rin sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika nang ito ay isagawa.

Dalawang taong ima-manage ni Wilbert si Madam Inutz. At sa loob ng panahong ‘yun, ie-endorse ni Madam Inutz ang lahat ng negosyo ni Wilbert.

Ganito rin ang ginawa noon ni Wilbert sa dati niyang kontrobersiyal na alagang si Mader Sitang. 

Kabilang sa inilatag ni Wilbert sa mga plano niya para kay Madam Inutz ang paglabas ng single nito na isinulat ni Ryan Soto. And eventually, bubuo sila ng album ng nasabing viral online seller.

Gagawin din siya ng tinatagurian ngayong Kuya Wil II na Ambassador ng mga online seller.

Tutulungan nila ang mga gustong maging online seller at kung paano ito magkaroon ng brand at maging owner.Tumawag lang sa 09175inutil. 

Puwede rin silang mag-email at mag-message sa [email protected]. Look for Wilbert Tolentino.

Nakakasayang maka-witness ng mga taong nagsisikap sa buhay na mapansin at matagpuan ng mga taong gaya ni Wilbert na may ginintuang puso!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …