Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo, Janus del Prado, Julia Barretto, Gerald Anderson
Bea Alonzo, Janus del Prado, Julia Barretto, Gerald Anderson

Janus binanatan si Gerald: Nagpapapogi para sa bagong show

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAG-REACT si Janus del Prado sa ginawang paghingi ng sorry ni Gerald Anderson doon sa internet show ni Boy Abunda at nagsabing sana ay mapatawad na siya ni Bea Alonzo. Dinugtungan iyon ni Gerald na, “sana maka-move on na lahat.”

Ang punto lang naman ni Janus, kung talagang sincere ang paghingi ng apology ni Gerald, hindi dapat ginawa in public. Dapat nag-effort siya na makausap si Bea at humingi ng dispensa ng personal. Paano mo nga naman masasabing sincere ang ganoong apology na parang ginawa lang naman for publicity?

Initially ang reaksiyon namin doon nang mapanood sa video na ipinadala sa amin, dahil hindi naman kami nanonood ng mga program sa internet eh, mukhang ginawa lang ni Gerald para kahit na paano ay mabawasan ang masamang impact ng mga pangyayari sa kanilang dalawa ni Julia Barretto. Mukhang hindi umepekto ang kanilang damage control eh. Kasi ang una nilang ginawa, para mapasinungalingan ang “ghosting,” itinago nila ang kanilang relasyon. Pagkatapos nang mahigit isang taon, napilitan din silang aminin dahil ang dami namang nakakakita sa kanila. Lumabas na isang taon ding mahigit na binola nila ang mga tao. Pinagmulan iyan ng malaking eskandalo. Kung natatandaan ninyo ang dalawang tiyahin ni Julia na sina Gretchen at Claudine ay nagpahayag ng simpatiya kay Bea. Kung natatandaan din ninyo, iyon ang naging mitsa ng lahat kaya nagka-umbagan pa sa mismong burol ng tatay nila at sa harap pa ni Presidente Digong. Nasundan pa kinabukasan ng isa pang umbagan na naging dahilan naman para isugod pa sa ospital si Claudine, na nagkaroon ng dislocation sa kanyang braso.

Iyong simpleng issue na iyan, lumaki nang husto at wala silang inamin doon. Tapos ngayon nga naman hihingi ng sorry at sasabihing tutal naka-move on na rin naman ang lahat?

Iyon ang medyo pinuna ni Janus, na dinugtungan pa niyang magkakaroon daw yata ng bagong show kaya naglilinis ng image. Para sa kanya, mukhang hindi sincere ang apology. Si Janus ay malapit na kaibigan ni Bea at natural doon siya kakampi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …