Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derek Ramsay John Estrada Ellen Adarna
Derek Ramsay John Estrada Ellen Adarna

Derek nakipagbati na kay John

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

MATINDI talaga ang upbringing ni Derek Ramsay mula sa ina n’yang Pinay (na sa alaala namin ay isang morenang Ilokana) at ama n’yang British businessman.

Parang sinabihan siya ng mga magulang n’ya na ‘di tamang tapusin ng ganoon lang ang pakikipagkaibigan kay John Estrada. Bumilang na rin naman ng taon ang pagkakaibigan nila at may mga biyahe pa nga sila sa ibang bansa noon, kasama ang respective swethearts nila. 

Sa harap ng mga magulang n’ya mismo, tinawagan ni Derek si John para sabihing handa siyang ipagpatuloy ang pagiging magkaibigan nila. Inamin n’ya kay John na isang maliit na misunderstanding lang ang naganap sa kanilang dalawa, bagama’t may kinalaman sa trabaho ni Ellen Adarna bilang leading lady ni John sa sitcom na Ellen en John na si John din ang line producer.

Tinanggap naman ni John ang pakikipagbati ni Derek sa kanya.

Lahad ni Derek sa PEP. Ph, entertainment website: ”Time will heal this. ‘Di ako ‘yung may galit pa. Kaibigan ko siya, eh.

“Alam mo na sa pamilya, mas magnified ang away ‘pag nag-away kayo sa pamilya.

“Para sa amin ni John, there were things that happened, but you will never hear me saying or give details because I respect him.

“’Yun na ang respeto ko sa kanya at sa friendship namin.”

Happily, karespe-respeto naman ang magkaibigan sa attitude nila sa isa’t isa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …