LIGTAS na nailikas ang 16 Filipino sa Afghanistan sa United Kingdom (UK) gamit ang military flight.
Kinompirma ito ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang unang 13 Filipino na inilikas ay nakarating na sa Oslo, Norway.
Isa ang lumapag sa Almaty, Kazakhstan habang isa pa ang lumapag sa Kuwait.
Karagdagang walong Filipino ang nagpatala sa Embahada pero hindi nagpahayag ng pagnanais na mailikas.
Sa kabuuan, nasa 175 overseas Filipino workers (OFWs) ang nailikas mula sa Afghanistan.
Abot sa 32 Filipino ang nanatili sa Afghanistan habang may 32 ang humiling na mapasama sa government repatriation.
Nagpasalamat ang ahensiya sa mga bansang tumulong sa paglikas sa mga Filipino sa Afghanistan.