Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin, Julia Montes
Coco Martin, Julia Montes

Julia at Coco mala-Angelina at Brad sa mga eksena sa motorsiklo

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ITSURA nina Brad Pitt at Angelina Jolie ng pelikulang Mr. And Mrs. Smith sa mga kumalat na larawan ng bagong magsasama sa Task Force Aguila ng FPJs Ang Probinyano, sina Coco Martin at Julia Montes.

Magaling na talaga magpakilig ang producer at direktor na rin na si Coco. Dahil sa tagal nang umeere ng kanyang programa kahit pa nawalan ito ng studio network, nagpatuloy lang sila ng Dreamscape na ibigay ang nakapagpapasaya sa lahat ng klase ng audience sa nahanap na sari-saring platform.

Kitang-kita sa mga larawan at videos na naise-share sa social media kung gaano ka-excited at rubdob ang ginagawa ni Julia. Sukdulang maaksidente siya sa kanyang motorcycle stunts.

Kampante lang ito dahil laging nakaalalay si Coco sa kanya.

Pati sa pagpapatingin nila sa chiropractor na si Doc Rob Walcher para maalagaan ang kanilang spine ay magkasama ang dalawa. Hanggang sa pagtu-twinnie sa kanilang outfit.

Malaki ang pasasalamat ni Coco, sampu ng kanyang produksiyon sa walang sawang pagsubaybay ng balana sa kanilang programa.

Marami pang karakter ang makikilala sa bago na namang magiging kabanata ng buhay ng Task Force Agila sa pamumuno ni Cardo Dalisay.

Ibang klase ang stunts na ginagawa ni Julia para sa nasabing programa. At isang Torrente ang gumigiya sa kanya sa mga delikadong eksena. Siguradong makapigil-hininga ang mga ini-enjoy niyang paglipad sa ere.

Worth na abangan ang mga susunod na eksena.

Fan ba ako? Lab ko lang si Coco. Chos!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …