Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Billy Crawford, Coleen Garcia, Amari
Billy Crawford, Coleen Garcia, Amari

Pagpapa-breastfeed ni Coleen pinagsabungan ng netizen

MA at PA
ni Rommel Placente

PROUD na ipinost ni Billy Crawford sa kanyang Instagram account ang larawan ng asawang si Coleen Garcia habang nagpapa-breastfeed  sa kanilang anak na si Amari.

Sambit ni Billy, grabe ang sakripisyo ni Coleen sa kanilang panganay.

Aniya, gusto niyang makita ni Amari paglaki ang mga larawan ng kanyang mommy habang pinapadede siya.

Nagsabong naman ang mga netizen sa pag-post ni Billy sa larawan ni Coleen.

Ayon sa isang netizen, dapat ay walang nakakakita ng larawang ito maliban kay Billy at sa anak na si Amari. Sambit pa ng isa, para umanong ginawang vulnerable si Coleen sa mga manyak sa internet.

Napasabi at napatanong naman ang isa ng, ‘why, just why?!’

Paglilinaw ng isa, ang breastfeeding ay normal, ngunit ang pagkuha ng larawan ang hindi.

Pagtatanggol naman ng isang netizen, kasalukuyan siyang nagpapa-breastfeed at kung i-post man ito ng kanyang asawa ay maa-appreciate niya iyon.

Ganoon din ang komento ng isa, na kasalukuyan din itong nagbe-breastfeed at kung i-post  ng asawa niya ay okay lang din sa kanya. Basta hindi lang kita ang kanyang boobs.

Kanyang-kanyang opinyon ang mga netizen, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …