Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janine Gutierrez, Ramon Christopher, Monching
Janine Gutierrez, Ramon Christopher, Monching

Janine super close sa amang si Monching

MA at PA
ni Rommel Placente

NAKATUTUWANG malaman na close si Janine Gutierrez sa kanyang amang si Ramon Christopher kahit hiwalay ito sa kanyang inang si Lotlot de Leon. Hindi gaya ng ibang aktres na nang maghiwalay ang kani-kanilang magulang ay lumayo na rin ang loob sa kanilang ama.

Hindi na lang ako magbabanggit kung sino-sino sila.

Katibayan ng pagiging malapit ni Janine kay Monching (tawag kay Ramon Christopher) ay noong magdiwang ang ama ng kaarawan noong Sabado, August 14. Binati siya ng dalaga sa pamamagitan ng Instagram account niya.

Pinaabot ni Janine ang kanyang pagmamahal kay Monching at sa pagiging mabuting ama nito sa kanilang magkakapatid.

Post ni Janine sa kanyang Instagram account, “Half of my heart. Happy birthday, papa!!! I always post your pogi pics naman so I hope it’s okay to post these. I love you @monchinggutz!!!!! life with you is the best ride. you make us so happy, obviously. thank you for being the best Papa.”

Ang post na ito ni Janine ay sinamahan niya ng picture na magkasama sila ni Monching noong bata pa siya na karga-karga siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …